wachap ketchup?

yup. the demoness is back

( S I Y E T E... Pitong taon na kaming nakasiksik dito. well, alam naman nating may mga taong subrang slow ng advancement sa teknolohiya at nagkakasya na sila sa first generation of web technology. Pero kung tingin nyo, wala kayong tiyaga sa non-wysiwyg interface, mas makakabuting mag-Livejournal o Wordpress na lang kayo. Sadyang mga h a r d c o r e lang kasi ang pwede dito. chos!)

explore.

latest entry
about me
archives
notes

shoutbox.

links.

schedule.

November:
1 - All Saint's
15 - Volleyball game vs. Violet
22 - Km Zero Project (finally?)
27-29 - Wind it up!
30 - Bonifacio day

15 Things in 2009.

1. Bungee jump
2. Eat 300 cups of yogurt
3. Buy new books (bought 5!) DONE
4. Wall climb DONE
5. Catch and count up to 1,000 falling stars
6. Watch the sunrise in Benguet DONE
7. Watch sunset without feeling lonely DONE
8. Climb Mt. Pulag
9. Hug at least one person a day
10. Make at least one person smile
11. Travel back alone to Sagada
12. Discover something new every month (not limited to places)
13. Write 15 poems this year DONE
14. Plant a tree DONE
15. Swim in open sea DONE

TY_notes.

DAHIL 7 years na kami dito, dapat lang na magpa s a l a m a t kami sa lahat ng mga nagpaiyak samin (isyu!) may buhay man o wala, mga nagpatulo ng laway namin katatawa, mga nakasama sa iba't ibang lakaran at nakilala kung saan-saan. Dahil kung walang leksyon, eksenang madadaot at angas, wala ring a i z k r i m (ok, bearhug na, bearhug). Sa mga napraning sa mga koda (tipong napaisip ng 'wait, ako yata yun tinitira dito ah'), salamat at di mo ako sinapak. Salamat sa lahat ng libro, mga tulang pinirata at kantang pinaskil dito, mga pelikulang mabagsik ang subtitle, sa kape, fried noodles at mga tsinelas.

Big tango to Kilcher the great for lending me this 'kyut' & nifty template. Tenchusowmacha ulit sa saving grace (naks)!

At... sa humigit-kumulang 4 katao (yup, we're growing.. 3 lang ito dati) kong reader: mahal ko kayong lahat. Grabe na, naiiyak pa yata ako o. Tagush Tugshink...



[prev] | [next]


Posted Thursday, Apr. 09, 2009


Happy Birthday Nanay!


i will be home in 5 hours.

you were saying something?


Posted Monday, Apr. 06, 2009


PMA (Pahinga Muna Aiz)


ISA SIYANG buhay na baggage counter. Pero hindi sa literal na paraan ha. Isipin mo na lang kung para saan ang baggage counter. Isipin mo rin yung maliit na alalahanin, ipapasok mo sa malaking kahong nababalutan ng packaging tape at hihilahin niya ito na parang ambigat. Ganun.

Kaya siguro hindi ko na binabasa pa yung mga sinusulat niya. Para kasi itong malakas at maingay na utot-utak. Sinadya ko ring huwag tingnan ang soc nets na kakonekta siya dahil punum-puno ito ng bagahe. Wala nang puwang sa paliwanag. Ewan.

Naalala ko lang yung kakilala kong nag-text sakin nung isang araw. Produkto ng GM ito. Nagpaparamdam ng presensya umano, at babalik na raw siya sa pakikisama sa mga taong sinabihan niyang nakakadiri. Naman. I'm thrilled.

Naghimutok yung true friend ko dahil sa GM na ito. Matatanggap pa umano niya na busy siya sa relihiyon niya o kaya sa trabaho. Pero yung sabihing ala siyang andalu kaya siya wala sa eksena eh malaking tae yun na masarap ibato pabalik sa kanya. Sabi nga ng friend ko, kung sa anda lang, parang tinustusan siya ni true friend (mahal niya eh, potah). Eh nakoh, ang tae ng eksena. Ayokong idetalye dito at wala akong papel dun.

Kaya naisip ko lang, parang baggage counter yata ang turing ng ibang tao sa kapwa nila eh noh? Tambakan ba ng isyu at bagaheng sobra. Wag naman ganun, mga bok. Kasi tao yung iniitsahan o pinapasahan nyo ng bagahe eh. Napapagod din yan at nabibigatan. O di kaya may karapatan din silang magbitbit ng sarili nilang dala-dalahan? Kaya kung pwede lang, tigilan nyo ang maging parusa sa iba.

Ngayong panahong ito, siguro ako pahinga rin muna sa kabibitbit ng bagahe. Iiwan ko muna ang isyu ko at sasama ako sa kuwentuhan sa bahay. Kesa magreklamo na unfair ang mundo, gagawa ako ng mas kapakipakinabang na bagay. Magwawalis ako ng imis. AT yung scrap book ko eh tatapusin ko na yung naghihintay na magkaroon ng kahulugan at maging parte ng mahahalagang eksena. Para hindi sila magmukhang panggulo lang. Para hindi na sila basurang pakalat-kalat.

you were saying something?

[prev] | [next]

Copyright 2008. Powered by diaryland

best viewed with Mozilla Firefox 3.0 or higher and Internet Explorer 6 or higher.