wachap ketchup?

yup. the demoness is back

( S I Y E T E... Pitong taon na kaming nakasiksik dito. well, alam naman nating may mga taong subrang slow ng advancement sa teknolohiya at nagkakasya na sila sa first generation of web technology. Pero kung tingin nyo, wala kayong tiyaga sa non-wysiwyg interface, mas makakabuting mag-Livejournal o Wordpress na lang kayo. Sadyang mga h a r d c o r e lang kasi ang pwede dito. chos!)

explore.

latest entry
about me
archives
notes

shoutbox.

links.

schedule.

November:
1 - All Saint's
15 - Volleyball game vs. Violet
22 - Km Zero Project (finally?)
27-29 - Wind it up!
30 - Bonifacio day

15 Things in 2009.

1. Bungee jump
2. Eat 300 cups of yogurt
3. Buy new books (bought 5!) DONE
4. Wall climb DONE
5. Catch and count up to 1,000 falling stars
6. Watch the sunrise in Benguet DONE
7. Watch sunset without feeling lonely DONE
8. Climb Mt. Pulag
9. Hug at least one person a day
10. Make at least one person smile
11. Travel back alone to Sagada
12. Discover something new every month (not limited to places)
13. Write 15 poems this year DONE
14. Plant a tree DONE
15. Swim in open sea DONE

TY_notes.

DAHIL 7 years na kami dito, dapat lang na magpa s a l a m a t kami sa lahat ng mga nagpaiyak samin (isyu!) may buhay man o wala, mga nagpatulo ng laway namin katatawa, mga nakasama sa iba't ibang lakaran at nakilala kung saan-saan. Dahil kung walang leksyon, eksenang madadaot at angas, wala ring a i z k r i m (ok, bearhug na, bearhug). Sa mga napraning sa mga koda (tipong napaisip ng 'wait, ako yata yun tinitira dito ah'), salamat at di mo ako sinapak. Salamat sa lahat ng libro, mga tulang pinirata at kantang pinaskil dito, mga pelikulang mabagsik ang subtitle, sa kape, fried noodles at mga tsinelas.

Big tango to Kilcher the great for lending me this 'kyut' & nifty template. Tenchusowmacha ulit sa saving grace (naks)!

At... sa humigit-kumulang 4 katao (yup, we're growing.. 3 lang ito dati) kong reader: mahal ko kayong lahat. Grabe na, naiiyak pa yata ako o. Tagush Tugshink...



[prev] | [next]


Posted Saturday, Apr. 25, 2009


Tiyo Pilo


"my name is easy you never said it
cause you can't say what you don't know"
~Run, Renee Stahl

haha. owww-kei.

you were saying something?


Posted Friday, Apr. 24, 2009


Torpedo


minsan, pag masyadong totoo sayo, hindi ka makapag-attempt gumawa ng paraan para ma-clear ang way mo. that's the problem pag tyope ka, if you like someone you could not even come near them. you want to like them from afar and you could stay that way for a decade without even bothering to ask for the name at least.

you dont wanna start a conversation lalo na kung masyado kang obvious na super excited ka na ayaw mong matapos ang moment nyo together. ang nangyari tuloy, imbes na humaba pa yung moment lalo pang umikli. tanga ka pala eh, wala kayong mapag-usapan eh.

Atleast ako, I asked the name. AT binigay niya. Ikaw? hehehehe.

you were saying something?


Posted Thursday, Apr. 23, 2009


namamatay na ang rosas sa tabi




kahit ulap nagsasabing tayo'y di bagay.

you were saying something?


Posted Tuesday, Apr. 21, 2009


Origin.


i hate Mondays.

Monday morning is seeing your long-time crush but you couldn't talk because you're on the move. pero nakita ka niya at nag-wave siya sa'yo. you melted and you didn't even return a hi. parang tanga lang.

siya pa naman ang origin ng lahat ng ideals mo. ngayon, naalala mo na kumbakit paborito mo dati ang kantang "I can't stop, the feeeling's too strong. We've got the will to hang on.. Can't stop to struggle, to fight, to survive...". kasi adik ka. Hehe..

you were saying something?


Posted Monday, Apr. 20, 2009


Goodbye LG




hindi ko makita ang piksur ni LG sa mga back-ups ko. Malamang na nasama ito sa flash drive ng shopatid ko nung nag-back-up ako ng PC. pero parang ganyan sa piksur sa itaas ang itsura niya.

Ang huling aso namin before LG eh si Maki na cross-breed sa askal at another japanese dog. Si Maki ay pag-aari ng kakilala ni mudra na nagtitinda ng halaman. Kahit supposedly cute ang mga puppy dahil sa matinis na tahol at playfulness nila, kadiri si Maki nung dumating sa haybol namin. Nangangati ako pag nakikita ko ang garapata niya. Yakadoodles! Siya rin yung pinakawirdong asong naalagaan namin dahil lagi itong nakasiksik sa halamanan. Pero ang mas wirdo dito eh akong hindi mahiligin sa aso pa ang nagtiyagang mag-groom at magtiyagang pulbusin ang mga yagidiyakdak niyang garapata. Siguro umandar ang OC-ness ko, hindi ko matiis yung nakikita siyang galisin. Kaso lang nung gumanda na eh nawala at sukat ang hayup. Akong may ayaw daw sa aso eh ako pa rin ang nagtiyagang maghanap sa nadognap naming puppy. haiz.. ironic ang mundo.

Si LG ang pinakakyut sa lahat ng naging aso namin. Alaga siya originally ng tiyo kong lumipat na sa Manila. Iniwan siya kay mudra. Nategi si LG due to heatstroke. ahuhuhu... gone na ang much-loved Japanese spitz namin sa haybol. :(

Lungkot lang, ala nang magwawala pag may dumadaang taong-grasa (yes, maarte si LG. 50 meters away pa lang ang taong-grasa, naaamoy na niya) at maghahari-harian na ang mga pusakal (pusang kalye) sa bakuran namin dahil waing na kaming Chao-chao to make kaw-kaw (read:tahol ng asol). Pinakana-sad ang mudrakels ko siyempre.

Haiz... sana magkaroon kami ng bagong doggie. Yung hindi kasing high-maintenance ni LG. Pero tulad din niyang ayaw sa batang mapanghi.

you were saying something?


Posted Saturday, Apr. 18, 2009


Imogen Heap Mode (Just For Now)




Über-galing namang bata netong si Imogen. Siya na ang buong studio. Idol.

you were saying something?


Posted Saturday, Apr. 18, 2009


May Tibay Na Maaasahan (Excerpt from 'Table Napkin Stories'


"Hoy boyfriend! Andyan ka pala."

NAGIGING STANDARD formal greeting ko na yata ang 'Hoy' o 'Huy' lately. Kung medyo nagmama-Inglatera mode ako, 'Heya'.

"Hello gelfren, kumusta?"

Hay naku, sa tinagal-tagal na nakakatanggap ako ng ganyang generic greeting, eh wala pa rin akong masasabing pulidong sagot. Hindi ko pa kasi naaaral o alam ang tamang isasagot diyan. Sa dami ng nangyayari sa'kin sa loob ng isang buong maghapon, napakakorni at plastik namang sumagot ng 'okay lang ako'.

"Okay lang ako. As in. Ikaw? Kumain ka na ba? Ampayat mo na ah. Sumisinghot ka pa rin ba ng sunog na kawad?" Parang hindi ko friend si Boy kung kausapin ko.

"Eto, ayoko nang mabuhay," sagot ni Boy na may halong pagdadrama.

"Adik ka talaga. Nakailang sioktong ka ba?"

"Walang kuwenta ang buhay ko. I'm such a loser."

"Sus, sige nga, anong kuwento mo ngayon?"

Kinalasan daw ng girlfriend niya si Boy, nagpaalam daw na uuwi na ng Pinas. Pagdating ng Pinas sinabi ni girlfriend na may iba na siya kaya umuwi ng Pinas.

"Guwapo ba? Gwapo siguro."

"Sobrang pangit!"

"Ganun ba, eh hayaan mo na. Nakakapangit mamurublema sa talipandas na dyowa. Di ka rin naman kagwapuhan."

"Naiinis lang ako, kasi ganito rin dati. Naulit na naman. Ginawa akong tanga."

"Baka nga, tanga ka. Hehe.. Joke lang. Taga-saan ba yan, hanapin ko nga at nang masabuka ko. Sampalin ko lang, hahanap lang ng iba eh mas pangit pa sa'yo. Bukod sa malandi siya eh di pa nag-iisip."

"Hahaha! Grabe ka naman. Wag na. Okay na'ko."

"Good for you. Tuloy mo lang."

At nagdrama pa ulit si Boy. Ampotah, okay na raw siya pero kung anu-anong kadramahan pa sinasabi. Hindi ko kinaya kaya nag-share na rin ako ng mas masalimuot na eksena ko kesa sa drama niya. Minsan, nabubulagan kasi ang mga tao sa mga alalahanin nila akala mo wala nang mas mahirap na problema sa buong mundo kesa sa haliparot na iniirog. Kala mo kasinglala ng butas sa ozone layer yung problema sa pagsintang di-mapakali. Maya-maya lang, sinabi ni Boy na gumaan na raw ang pakiramdam niya.

"Buti naman kung ganun. Ipagpatuloy mo lang."

"Gelfren, pano kaya kung tayo na lang?"

"Hoy, babaero ka talagang hayup ka. Nung Sabado lang kayo nag-break, e magdyodyowa ka na agad ng bago? Alam mo, magluksa ka naman ng konti para may healing process kang tinatawag. Bilis mo naman maka-move on, ni walang pagninilay na naganap. At ako pa ang dyodyowain mo, ayus ka rin ha. Ano ako panakip-butas?! Utut mong blue ha, ayusin mo ngang buhay mo ha."

"Grabe ka talaga, bat ganyan ka? Tinawag mo pa akong boyfren, minachine gun mo naman ako."

"Haha! Mabuti na yang diretsahan."

"Pero na-miss mo ako."

"Ayus lang. Di kita nakalimutan, pero hindi rin kita hinanap."

"So, na-miss mo nga ako."

"Hmm...late na, antok na'ko. Mabuti pang matulog na'ko kesa kumausap ng olats. Hehe! Seriously, bye na."

"Ok, salamat sa usap. Magte-text ako ngayon. Basahin mo bago ka matulog. Kahit wag ka na mag-textback."

"Talagang di ako magte-textback. Wala akong load ngayun eh, next month pa. Hehe.. Wag kang magpapatiwakal ha. Remember, mahal ang palibing at wala kang ipon. Padayon!"

Ito ang relasyong tatagal sa panahon. Strong, may kapit, may asim at pakapalan ng kumpiyansa. Ganun naman pag friends eh.

you were saying something?


Posted Friday, Apr. 17, 2009


Hide and Seek





Where are we?
What the hell is going on?
The dust has only just begun to form crop circles in the carpet,
Sinking... Feeling...
Spin me 'round again and rub my eyes;
This can't be happening.
When busy streets a mess with people
Would stop to hold their heads heavy

Hide and Seek
Trains and sewing machines
All those years;
They were here first.

Oily marks appear on walls
Where pleasure moments hung before the takeover,
The sweeping insensitivity of this still life

Hide and Seek
Trains and sewing machines (Oh, you won't catch me around here)
Blood and tears (huh) they were here first.

Mm what you say
Oh that you only meant well, well of course you did
Mm what you say
Mm that it's all for the best, of course it is
Mm what you say
Hmm that IT'S JUST-a-what we need, you decided this (we, you)
Mm what you say
Hmm what did she say?

Ransom notes keep falling out your mouth
Mid-sweet talk, newspaper word cut outs (paper word cut outs)
Speak no feeling no I don't believe you (I don't buy it)
You don't care a bit, you don't care a bit

Ransom notes keep falling out your mouth (Hide and Seek)
Mid-sweet talk, newspaper word cut outs
Speak no feeling no I don't believe you (Hide and Seek)
You don't care a bit, you don't care a bit

You don't care a bit (Hide and Seek)
You don't care a bit, no
You don't care a bit
Mm, no, you don't care a bit
You don't care a bit
You don't care a bit

you were saying something?


Posted Thursday, Apr. 16, 2009


Akala Mo Lang Wala, Pero Meron


Gusto kong mag-rant. Gusto kong mag-rant ng tungkol sa kahit ano lang. Magra-rant ako hangga't gusto ko. Wag nyong basahin kung nasasawa na kayo sa rants o complaints ko.

MOVING ON

Kanina lang naging legal yung paglipat ko ng pwesto mula sa dati kong workspace dahil kanina lang pumayag si bossing. Madali akong mairita sa kahit anong ingay, liwanag, kilos ng tao lately. Lagi akong may katabing Advil dahil lagi rin akong sinasakitan ng ulo. Naisipan kong makipagpalit ng workspace sa kasamahan ko ng 3 buwan. Hanggang matapos ko lang yung pagsusulat at kapag napapayag ko na ang sarili kong gusto ko nang magsalamin ulit.

Sabi ni Ellen Sicat, ganun daw yata pag nagsusulat ka. Nagiging mapapansinin ka sa konting kaluskos o munting pagbabago sa paligid mo. Konting kibot lang hindi pwedeng makaligtas sa atensyon mo. Madalas kong hindi ginagamit ang headphone ko dahil nagwo-worry rin ako sa eardrums ko, lagi ko na lang kasing gamit para iwas-distraction. Binitbit ko ang gamit at paraphernalia ko at pumunta ako sa malayong pwesto, halos kadikit na ng kabilang department. Gusto kong isipin na ito na yung umpisa ng moving on ko. Asa.

SAMYO NG NAGDAANG SIMOY (Wateber!)

Putangina ang init ng panahon. Tinatayang aabot sa 36ºC ang temp forecast sa Maynila hanggang Biyernes. Howlisheesh. Dumagdag pa ang humid na paligid sa pagkairita ko sa araw-araw na gawain. Nakakairitang magkikilos dahil ang lagkit sa pakiramdam ng hangin. Maski na may aircon ang upisina, paglabas ko naman eh tiyak na para akong sinisilaban sa init. Araw-araw pa naman masakit ang ulo ko tungkol sa iba't ibang bagay (pwedeng isa kada-araw, pwede ring combined force): pasaway na audits, hirap mag-intindi ng bahay, gastos, ipon, pagsintang di-mapakali, nawawalang gamit, hindi makasulat ng lit entry, walang malamig na tubig, maingay na taga-kabilang department at amuy-paang working environment pagdating ng hapon.

YES. Pati amuy-paang environment iniinda ko (siguro naman kahit ikaw yun noh, wag ka nang magmalinis diyan), at take note nag-aamuy-paa lang sa kapag hapon na. Meaning, yung source ng karimarimarim na pakiramdam eh sa hapon lang dumarating. Sa unang araw na nalipat ako sa pinuwestuhan kong workspace, hindi ko pinansin ang simoy ng hangin. Pero sa pangalawang beses, medyo alibadbad to the highest level kasi sa pakiramdam. Tamang-tama kasi yung hagod ng hangin sa inhale-exhale breathing order ko. Sagap na sagap ko ang hanging Hebigat. Malagkit, mamasa-masa, mainit at maalimuom. Mantakin mong hindi kami close ni Ong-bak (na madalas ko pang tirahin dito dati) pero nakuha ko siyang i-PM ng tungkol sa hindi ko matiis na eksenang naging involve ako bigla.

[ako]: huy, alam mo ba, gusto ko nang umuwi.
[ong-b]: bakit? tinatamad ka na?
[ako]: hindi, amuy-paa kasi dito sa pwesto ko. (sad face)
[ong-b]: AW.

Sori ha, hindi ko matiis hindi magreklamo eh. Oo, alam ko. Hindi naman ako all the time na mabangong tao. Ako pang sporty.

Maya-maya lang, sa di-malamang dahilan eh nag-spray ng pabango yung isa sa mga taga-kabilang department (TKD). Hindi ako magkandaugaga sa pinaghalong bango at makatrabaho kaya nang-istorbo na naman ako ng kalapit table. Ang sakit niya sa bangs eh.

Sa Ntalk:
[ako]: huuuuuyyy.... ayan na naman sha! merun na naman..! sino yun????
[jan]: oo nga. hindi ko gusto yung amoy ng pabango na yun. amuy CR.
[ako]: hindi. hindi yung pabango. yung paa.
[jan]: ay, loka ka ha.

Naimadyin ko pa si Kuya Kim na nagpo-forecast ng bagyo, "Kung inyo pong napapansin, may namumuong sama ng amoy, este sama ng panahon sa bandang kanan ko, este silangang bahagi ng (bleep) Asia at tinatayang paparating na sa puwesto, I mean sa DA, ahahay.. basta dito (sabay dutdot sa mapa) sa bilis na humigit-kumulang 120kph."

Kuuh, bilis lang. Lalong tumindi ang kunot-noo ko, papabigat na rin ng papabigat ang ilong ko.

"HAHH-CHINGGGGG!"

Bumigay na rin ako. Tumawa ng tumawa si Jan. Ulitin ko pa raw yung hah-ching, in such a way na maririnig ako ng source. Like I know, kung sino ang source. Alam pala niya kung sino ang source.

[jan]: yung TL
[ako]: alin? yung nagpapabango?

Tumawa na naman ng tumawa si Jan. Tumawa na lang din ako dahil maski yung nasa TKD na mas malapit sa source eh nagkokomento na rin.

[--] Nag-amoy tuta na naman ako.
[..] Alam mo, dati natitiis ko pa. Ngayon hindi na, dapat diyan putulin ang paa.
[--] Binibilisan ko ngang magtrabaho para makalayas agad ako rito.
[..] Karapatan mo naman yun, yung makasagap ng fresh air.
[--] Ewan ko ha, masama na kung masama ako pero hindi ko na kaya.
(sabay-spray ulit sa puwesto niya ng cologne)
[..] Ako, brutally frank lang ako.

Ako naman, pinilit kong pumokus pabalik sa trabaho. Pero hindi ko makalimutan yung sagad sa butong comment sa forum ng mga apektadong tao at side-comments ng TKD. Humahagikgik pa rin ako (ako pa na superbabaw ng humor sa katawan). Parang sa pelikulang "The Forgotten", mag-effort man ang mga alien na burahin ang memory ko eh wa epek dahil kahit itaboy ng cologne yung namuong wave ng simoy ng hanging Hebigat, parang tumambay na talaga sa membranes ng ilong ko yung 'scent'. Hehehe!

[--] teka, naubos ko na yata yung pabango kai-spray.

Hehehe!

you were saying something?

[prev] | [next]

Copyright 2008. Powered by diaryland

best viewed with Mozilla Firefox 3.0 or higher and Internet Explorer 6 or higher.