Posted Friday, May. 01, 2009
Unang Ulan ng Mayo, San Ka Na?
ALAM MO BA:
Hindi lang ang librong "Unang Ulan sa Mayo" ang dahilan kumbakit ko hinihintay ang ulan mula umaga hanggang ngayong sampung minuto bago maging a-dos na ng Mayo. Taun-taon ko naman siya inaabangan. Taun-taon din yata, nagsusulat ako ng tungkol sa unang ulan ng Mayo. Ganitong panahon noon nung isang taong nang magdesisyon akong umakyat ng Sagada. Nakatatlong paligo ako sa maghapon dahil sa init at ginusto ko talagang umakyat ng bundok para iwan ang nakakakulot na init sa Manila. Sagada ang pinakapaborito kong destinasyon kung may mahaba lang din akong bakasyon at may andalung magagasta.
Tapos, naging pang-apat na paligo ko ang unang ulan ng Mayo Uno na bigla na lang bumuhos sa gabi. Ako lang yata ang natuwa noon dahil sa matanda kong paniniwala na nakakagamot daw ang unang ulan ng Mayo. Isa pa, espesyal sa akin ang Mayo Uno. Sabi ko nga sa lumang sinulat ko last year, selebrasyon ito ng rebolusyon at ng pagkakaibigan. Dati, maingay ang unang ulan ng Mayo. Hindi lang kasi ang ulan ang maingay (malaki kesa karaniwan ang patak ng ulan at mabigat na mabigat) kungdi pati mga taong gulat na gulat sa buhos ng ulan. Walang nagawa ang payong at breaker ko sa lakas ng ulan dati kaya pagkatapos ng bakasyon sa Sagada eh nag-uwi ako ng pulmonya. Imadyinin mo na lang ang lamig sa bus kung ikaw ay basa. Kulang ang 'nyeta'-ng ekspresyon ko para maiesplika ang pakiramdam.
Pero iba na yata ngayon, wala pang Mayo babad na ang siyudad sa ulan. Kaya, alam ko na mas malaki ang populasyon ng taong ayaw umulan kesa sa katulad kong nag-aabang nito.
Pero ngayon nga, kakatwa na wala pa ring ulan. Bakit wala pa? Dapat yata andito yung mga may 'balat' na katulad mo para umulan. Dati kasi, kahit ayaw kong umuulan, basta nandiyan ka na umuulan. Medyo pangit ang konteksto pero... basta. So... Asan ka?
# # #
Gusto kong magpasalamat sa lahat ng naging inspirasyon at katulong ko upang mahugot ang Musa sa pagitan ng haraya at malay. Nakaabot ako sa huling araw ng pagsusumite ng akda. Isang araw, susubukan kong magpaskil dito ng isa sa mga nahugot kong berso para isali sa palihang pampanitikan. Salamat po sa lahat ng nagsabi ng 'good luck'.
Posted Wednesday, Apr. 29, 2009
Toilet Humor
lumang convo with insan:
[ako]: boy, mukang bahay na yung bahay namin. may atip at sahig na, may totoong pinto na. at yung bintana, hindi na siya mukhang pinto. bintana na talaga siya. nyahahaha!
[guss]: bago nga pala paayos bahay nyo. hahaha ayuz!
[ako]: kaso lang, malungkot ako sa CR.
[guss]: bakit? lumiit ba yung inodoro?
[ako]: hindi. yung pinto ng CR dati na iba ang exit sa entrance, tinanggal na. makakasalubong na kita pag naki-CR ka. hahahahaha!
[guss]: buset! hahaha!
Posted Tuesday, Apr. 28, 2009
talk about the same-same
sheeeeeeessh..
im super-sad now that a work buddy needs to move out the workspace. i can understand why but i still couldn't help but feel sad. only my work buddy has the patience to listen to me once i started to talk about the same-same stuff.
kinda frustrating day for me.
[ako]: haiz... etong convo natin eh itre-treasure ko na. hihi!
[kausap]: pwede pa naman tayo mag-email dai
[ako]: iba pa rin yung real-time noh. hehe
[kausap]: sabagay eh di real time email
[ako]: hahaha! sana pwede yun.
[kausap]: wala na naman ako makakausap ng ganito dun
[ako]: siguro ngayon lang, pero pag nagtagal ka rin ng konti dun, merun na
[kausap]: NGA PALA TIL WED NA LANG AKO DITO NEXTWEEK
[ako]: yeah... im always sad pag may nahihiwalay. even if im aware that it's for the better.
[kausap]: ako din
[ako]: i could not let things go easily. kaya marami akong abubot o collectibles.
[kausap]: its so comfy to stay but its time to move forward. pag umuuwi ako ng province nakikita ko yun mga abubot ko nun, natatawa lang ako ultimo takip ng yakult na bigay ni (hmmmhmmm) sakin nun nakatago pa
[ako]: ako naman bago ko pakawalan yung something, mini-make sure kong talagang hindi ko na pwedeng i-repair pag di na, hinahanapan ko pa rin ng value. ewan ko, kahit kaya kong bilhin yung bago hindi ko pinapalitan agad. ganun din sa tao.
[ako]: not that im saying na binibili ko pagkatao ha
[kausap]: oo naman
[kausap]: tagal na din natin magkasama, almost 3years na din
[kausap]: ehehe
[ako]: sa una lang naman ako hindi masaya. later on, okay na rin. i mean, kumbaga yung acceptance ko ng separation sa tao, dumarating din. pero matagal.
[kausap]: ah oo naman
[ako]: hehe. well..
[kausap]: wala, kasi bigla na lang dumating un opportunity kaya ayan naunahan ko pa un mga talagang nagbabalak na umalis na
[ako]: medyo
[kausap]: oo nga eh
[ako]: pag nag-resign si [bleep] ayoko na rin. hahahahaha! lul.
[kausap]: ayun oh hahahahaha akala ko pa naman wala ako kaagaw sa kanya, chenes
[ako]: choz!
# # #
hay naku.. nagtatae ako. natatae ako.
Posted Tuesday, Apr. 28, 2009
Eto, Seryoso Na Ito, Seryoso Na
KINAKAPALAN KO ang mukha ko upang sumali sa isang palihang pampanitikan sa kategorya ng tulang Tagalog. Nagbago ang isip ko ngayun-ngayon lang (oras: pasado ala-una ng umaga)na ayoko nang sumali sa kategorya ng maikling kuwento sa kadahilanang hindi ako makasulat ng matinong sinopsiya.
Oo, wala talaga akong hiya at makatutulong po ang konting pangungutya para magising ako sa katotohanang hindi ako kagalingan. Ngunit kung mamarapatin nila sana malimusan din ninyo ako ng suportang moral. Kung pangit ang gawa ko, aayusin ko ito at kikinisin hanggang sa pumuwede na itong mailinya bilang obrang pampanitikan.
Gusto ko na ring makapag-ekis ng mga plano sa buhay at makalipat na sa susunod na hakbang sa pagsusulat. Gusto kong mahasa at magkaroon ng pag-unlad sa pagsusulat. At ito'y habang gamit ang wikang Filipino na walang kasingsarap isulat at bigkasin ng paulit-ulit. :)
# # #
Hayyyyy... nakakainis...! Naiinis ako. Naiinis ako dahil sa isyu ng copyright at royalty na hindi ko pinapansin dati dahil hindi naman ako sikat at hindi ko naman pinagkakakitaan ang sinusulat ko. Kumbaga, nagsusulat lang ako dahil masaya ako sa ganun. Ngayon lang nag-sink in sa akin na ang pinaghirapan kong isulat ay hindi ko basta mahuhugot para mapag-aralan. Haay... bakit, bakit? Ngayon ko lalong naiintindihan ang mga katulad ni Gary Granada at Francis Magalona na dismayado sa industriya. Ang mga katulad nina Lualhati Bautista at Ellen Sicat at ang mga pagkadismaya ng kanyang kabiyak na si Rogelio Sicat sa Panitikang Pilipino. Komersiyalisado na nga, hinihila ka pa pababa ng komersyo. Kahit kelan talaga pailalim ka kung hugutan ng pakinabang. Go indie na ito! GO UG!
Posted Sunday, Apr. 26, 2009
Capital C
UWI YATA ng pamangkin ko yung newslette sa haybol na nagpataas ng kilay ko at nagpasakit ng T-zone ko (araw-araw na nga kumikirot ulo ko, di na naawa ang mga balita sakin, tsk).
Nakalagay kasi sa balita na ina-amend ng unibersidad nila yung dresscode sa school para maka-adapt umano sa foregoing 'fashion' ng mga tao/e. AT ang ikinamulagat ko eh yung pwede kang magsuot ng tsinelas PROVIDED na kulay GREEN ito at Havaianas ang tatak. Hmmmmm...teka nga... siguro may partnership ang unibersidad na ito sa naturang brand.
Bakit mga anak, mangangati ka ba kung Dupé na lang ang istepin mo? (hehe) Hindi naman siguro hihinto ang ikot ng mundo kung hindi iPhone ang gamit mo, at lalong hindi titigil ang pagpapalit-palit ng panahon kahit sumigaw ka ng, "It's raining na here, O-M-G! I don't have payong pa naman, like, I'm so not expectin' rain is gonna be this lakas, oh. Shooccckkssshzzh.." Deym. Para lang nasapian ng masamang espiritu. Ang sarap ipasok sa monasteryo para magnilay.
Kung sinuman ang nakaisip nito, saksakan ka ng bright, teh. Sana lamunin ka ng colonial mentality mo, baka sakaling maging bato kang ikikiskis sa noo ng mga echosera nyong stoogies na walang alam na brand ng kape kungdi Starbs. Anerbuzz!