Posted Thursday, May. 07, 2009
the drums, the drums, the drums...
Posted Thursday, May. 07, 2009
hah! oww-key...
pag-uwing pag-uwi ko mamaya, matutulog agad ako. saka ko na puproblemahin na tambak labahin ko. umuulan. hindi realistic maglaba.
okay, ano to? wala lang. wala akong makausap dito. ang layo ko sa mga normal na tao. hehe..
nubayan, bumabagyo pero hindi pa raw tapos ang summer sabi ng PAGASA. buti na lang hindi ako ikakasal this week.
Posted Wednesday, May. 06, 2009
traffic light (acoustic video)
Posted Sunday, May. 03, 2009
Chix Delight
HILA NA may kasamang mahinang palo sa palad ang gumising sa akin kaninang alas-sais ng gabi. Pamangkin ko pala. Akala ko naman kung ano na, baka pinapagising na ako kasi luluwas pa ako ng siyudad eh. Yun pala hinde.
"Uhmm?"
"Pumunta ka kina Abi. Dalhin mo yung apat na ibon. Ibalik mo sa may-ari."
"Ha?! Bakit?"
"Para hindi ko makita na papatayin."
Pamangkin ko ito. At yung 4 na ibong sinasabi niya eh yung talisaing bigay sa kanya ng kapitbahay ng ate ko sa Laguna. Mukang natuwa yung kapitbahay ng kapatid ko sa bata kaya binigyan ng manok. Nasundan pa ng dalawa pa ulit kaya napa-'Nakupo!' ang nanay ko.
"Nakupo! Nadagdagan na naman yung alagain! Wag ka nang mag-uuwi niyan!" sabi ni mudra sa ate ko. Tawanan lang kami. Reklamo ng reklamo si mudra pero bili rin ng bili ng patuka sa manok. Adik.
At dahil nagiging poultry na sa bahay, eh namumurublema na ang pamangkin ko dahil madalas siyang biruing gagawin nang adobo ang mga manok. hehehe..
"Pumunta ka kina Abi. Dalhin mo na yung ibon dun. Ibalik mo sa may-ari."
Parang ang dali ng utos ha. Hindi kasi aware na South-bound yung pinanggalingan ng manok.
"Ha?! Bakit?"
"Para hindi ko makita na papatayin."
Aww... "Okay ka lang? Pano ko dadalhin yan, eh ang laki na na niyan. Nanunuka pa, masakit. Pag dinala ko dun yan, papatayin din ng may-ari yan. Gagawing adobo. Ibenta mo na, hindi soli. O kaya ulamin mo. Masarap sa adobo ang manok-tagalog."
Umiyak. Nakakaiyak na pala ang adobo?