wachap ketchup?

yup. the demoness is back

( S I Y E T E... Pitong taon na kaming nakasiksik dito. well, alam naman nating may mga taong subrang slow ng advancement sa teknolohiya at nagkakasya na sila sa first generation of web technology. Pero kung tingin nyo, wala kayong tiyaga sa non-wysiwyg interface, mas makakabuting mag-Livejournal o Wordpress na lang kayo. Sadyang mga h a r d c o r e lang kasi ang pwede dito. chos!)

explore.

latest entry
about me
archives
notes

shoutbox.

links.

schedule.

November:
1 - All Saint's
15 - Volleyball game vs. Violet
22 - Km Zero Project (finally?)
27-29 - Wind it up!
30 - Bonifacio day

15 Things in 2009.

1. Bungee jump
2. Eat 300 cups of yogurt
3. Buy new books (bought 5!) DONE
4. Wall climb DONE
5. Catch and count up to 1,000 falling stars
6. Watch the sunrise in Benguet DONE
7. Watch sunset without feeling lonely DONE
8. Climb Mt. Pulag
9. Hug at least one person a day
10. Make at least one person smile
11. Travel back alone to Sagada
12. Discover something new every month (not limited to places)
13. Write 15 poems this year DONE
14. Plant a tree DONE
15. Swim in open sea DONE

TY_notes.

DAHIL 7 years na kami dito, dapat lang na magpa s a l a m a t kami sa lahat ng mga nagpaiyak samin (isyu!) may buhay man o wala, mga nagpatulo ng laway namin katatawa, mga nakasama sa iba't ibang lakaran at nakilala kung saan-saan. Dahil kung walang leksyon, eksenang madadaot at angas, wala ring a i z k r i m (ok, bearhug na, bearhug). Sa mga napraning sa mga koda (tipong napaisip ng 'wait, ako yata yun tinitira dito ah'), salamat at di mo ako sinapak. Salamat sa lahat ng libro, mga tulang pinirata at kantang pinaskil dito, mga pelikulang mabagsik ang subtitle, sa kape, fried noodles at mga tsinelas.

Big tango to Kilcher the great for lending me this 'kyut' & nifty template. Tenchusowmacha ulit sa saving grace (naks)!

At... sa humigit-kumulang 4 katao (yup, we're growing.. 3 lang ito dati) kong reader: mahal ko kayong lahat. Grabe na, naiiyak pa yata ako o. Tagush Tugshink...



[prev] | [next]


Posted Friday, May. 22, 2009


Ang Nakaraan...


KASABAY LANG kitang mag-lunch kahapon, tapos biglang-- **krrzchtz**

Ikukuwento ko kaya kung ano ang nangyari afterlunch? Abangan sa Tuesday, pagpasok niya. Nyahahaha...!

you were saying something?


Posted Thursday, May. 21, 2009


Bitin Sa'yo


ALAM MO MINSAN, dahil sa kasasama-sama mo kay Ong-bak, gusto kong isipin na below sea level din ang IQ mo. Na hindi ka yata matalino at wala ka ring EQ. Baka retard ka rin. Kahit pa yan nagbabasa ka ng libro ni Gabriel Garcia Marquez (samantalang ako, ni hindi ko yata nahaplos man lang ang takip ng libro niya sa bookstore kahit nag-50% OFF na siya nung Setyembre).

Hindi naman tayo close eh. Pero alam kong paborito mo si Paulo Coelho. Ewan ko kung ako na lang ang nakakatanda na sinabi mo dati sa Xmas wish list na gusto mo ng kahit anong libro ni Paulo Coelho for Christmas. Tinanong kita kung bakit at ang sabi mo eh paborito mo siya kaya libro niya ang gusto mong iregalo sayo ng ka-monito/ta mo dati.

Sabi mo, gusto mo rin ang Up Dharma Down kahit "Pag-agos" at "Oo" lang ang alam mong kanta nila. Dito na ako natuwa sayo. Nakasama pa kitang nakipagsiksikan sa mga punka-punkang bagets para makalapit sa stage kung saan tumutugtog ang Up Dharma. Dito ko naisip na hindi ka basta kung sinu-sino lang sa gedli. Matalino ka.

May mga events yayayain mo ako sa mga picture-taking na sana tabi tayo, okay fine. Tumatabi ka sa akin sa lunch kahit nagkakasikuhan tayo sa pagsubo natin dahil kanan ka at kaliwa ako sa kutsara.

If words are too few
To keep horizons in view
Will you go


Tapos noon, big-- (entry will be truncated from here. hehehe..)

you were saying something?


Posted Wednesday, May. 20, 2009


Tigil!!! (Ong-bak round 13)


PALIBHASA RETARD brain, you have to itemize everything para masunod niya ang instruction mo. Yung simple hand-sign na stop ay hindi ubra. Tanga nga kase eh. When I say stop talking to me, that includes chat, text messaging, and that includes vis-a-vis. Dapat ganun. Detalyado.

Nakakaubos talaga siya ng pasensya. Grabe, yung napag-aralan kong mantra sa short Brahmin practice ko eh nakoooooooooh... wala. Nag-e-evaporate sa hangin pag humihirit na siya. Nawawala ang modo at moda ko sa kanya (and nope, ang moda ay hindi effeminate version ng modo. I-google mo yan).

Sinasali pa niya sa kalokohan niya si Polo Sports. Si Polo pa ang napili niyang gaguhin, eh kinakarir ko nga yung tao. Siyempre, may tanggulan portion ito in such a way na hindi niya iisipin na kinakarir ko si Polo (ay, hindi nga pala niya maiisip yun kasi retard siya at all this time ang impression niya sakin ay anti-social). Buti na lang, alam kong di-hamak na above sea level ang IQ ni Polo di tulad NIYA. Winarningan ko siya, "Anything coming from you, I don't believe anymore so stop right there." Harsh na kung harsh ako. Hindi kasi siya nakukuha sa malumanay na pakiusap.

True enough. Ayaw pa nga niyang maglubay. Konti ko nang sabihin yung dialogue na ganito, "Ikaw na half-Chinese ka. Bukod sa racist ka, ikaw ang pinagmumulan ng crab mentality dito. Hindi ka marunong magpakumbaba sa Pinas na kumupkop sa inyo all these years. AT wag mo akong dadalihan ng statement mo na, 'yung mga Pinoy kase...' dahil yung mga Pinoy na sinasabi mo e kasali ka dun gago ka. Wag ka retard, pare. Hindi porke't Intsik ka, ikaw lang ang magaling sa mundo. Don't forget na sa China nagmula ang formalin sa pagkain, melamine, double-dead at 90% na made in China at imitation. In short, san ba galing ang problema? Ahoy... sasagutin ko pa ba? Eh, factual na yan."

HAYAN NA. Naging racist na din ako. Tangina kasi niya eh. Buti na lang hindi ko nasabi yan, napakasamang halimbawa sa kabataang Pilipino niyan.

Pero diretso kong nasabi na, "Alam mo, tigilan mo na ako. Hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang trip mo."

Yan... Malapit na nga yata kami sa final round.

# # #

Disclaimer: I have nothing against Filipino-Chinese community. I have a Fil-Chi nieces and brother in-law. Pero hindi sila bastos. Whatever I wrote above is just my brain gas because I was very irritated and I was soooooo pissed with this Half-Filipino Half-Chinese who claims to be a semi-vegetarian. Semi-vegetarian, vegetated na kasi siya from torso and up.

you were saying something?


Posted Wednesday, May. 20, 2009


ang sentro ng kalawakan ay ako. Choz!


damang-dama ko ang krisis. pero ako pa rin itong matiyagang naghihintay na matapos ang kasunduan dahil na rin sa praktikal na dahilan.

kanina, nakatanggap ako ng 6 disputes. tinanggap ko ang apat, ibinalik ko ang dalawa. areglado yung isa, yung isa pending at mukang kakapalan ko ang muka ko na wag tanggapin yung dispute na yun dahil hindi ako tangang tatanggap ng pagkakamali ng proseso. damang-dama ng lead ko ang kakulitan ko. e hindi naman ako makulit, hindi lang nila ako mapilit maniwala na wala akong ibang option kungdi i-accept yung samting na hindi ko naman talaga pagkakamali. iisang direksyon lang kasi nakikita, pero merun pa namang ibang posibilidad ang mga bagay-bagay.

di ako nagtitrip lang. sinasabi ni Siege na ugali ko talagang kumontra sa mga bagay-bagay kahit na ito ang normal na sitwasyon. mahilig mambasag ng moda. hindi, hindi ako nambabasag ng moda ng ibang tao. bakit, may absolute truth ba ang tao? baka nakalimutan natin na bago natin nalamang umiikot ang mundo sa araw, lahat ng tao paniwalang-paniwala na mundo ang sentro ng universe. excommunicado pa nga lahat ng magsabi na hindi mundo ang sentro kungdi araw. hay naku.... re-alignment sa office nangyayari na. sana may trabaho pa ako bukas. at sa susunod na araw. Tae-ness. excuse me lang, pero putangina ang araw ko maghapon. Nai-stress ako sa inutil na gobyerno. mapipilitan na yata akong bumalik sa totoo kong field kahit sukang-suka ako dito. pag pinilit kong bumalik dun, baka bago ako maregular e namatay na ako sa depresyon. seryoso yun, ayoko nang bumalik sa ganung trabaho kahit alam kong kikita ako ng limpak-limpak na salapi, ayoko talaga. aanhin ko ang limpak-limpak na salapi kung pagkatapos kong makakuha ng sandamukal na yaman, wala naman akong kaibigan, hindi ako nakakauwi sa totoong bahay na may pamilyar na mukha, wala akong alam sa balita, wala akong makausap na ibang tao liban sa bos ko o drayber ng jeep na sinasakyan ko at nasa kuwadradong bintanang de-kuryente lang ang social life ko. di ko kailangan maging milyonaryo. enough lang yung may magagasta sa lakbay alalay, pantustos sa araw-araw, konting luho, at may pampalibing ako sa sarili ko. simple lang ang buhay na gusto ko. pwede ba, wag na nating pahirapin pa.

you were saying something?


Posted Monday, May. 18, 2009


15 Things I'd Like To Do This Year (2009)


1. Bungee jump
2. Eat 300 cups of yogurt
3. Buy new books
4. Wall climb DONE
5. Catch and count up to 1,000 falling stars
6. Watch the sunrise in Benguet DONE
7. Watch sunset without feeling lonely DONE
8. Climb Mt. Pulag
9. Hug at least one person a day
10. Make at least one person smile
11. Travel alone in Sagada
12. Discover something new every month (not limited to places)
13. Write 15 poems this year
14. Plant a tree
15. Swim in open sea DONE



Natupad ko na yung wish ko. Sunset by the beach na makikita ko talagang lulubog ang araw sa dagat. Tamang-tama ang posisyon ng araw eh. Thank you sa good weather. Blessing talaga. So, na-cross out ko na yung isang item sa 15 wishlist ko. Bonus na natupad ko na rin this year yung makapunta sa beach. Hindi ako beach bum, bitch lang ako but that's irrelevant. Hehe. Mas at home akong mamundok kahit lulain pa rin ako at lampa pa rin ako, at maligo sa napakalamig na waterfalls. Allergic kasi ako sa sea water( o madumi kasi ang tubig? Ewan ko. Selan ko.). Lagi akong nagkaka-rashes sa buong katawan basta nagdagat. Engkanto yata ako wehehe.. So meaning to say, baka umabsent ako hehehe... De, pasok pa rin ako. Pramis.

Hopefully this year, makapag-island hop pa ulit sa Zambales.

you were saying something?

[prev] | [next]

Copyright 2008. Powered by diaryland

best viewed with Mozilla Firefox 3.0 or higher and Internet Explorer 6 or higher.