Posted Saturday, May. 30, 2009
Soko [late] (Oplan Celia 3)
Yihee... sokoleyt..
PAPASOK KA ba?
Napakakritikal na tanong nito. Hehe.. Imagine, Friday na. Ulan pa ng ulan. Ang sarap talagang umabsent.
E kahit naman di ka tinext ng katrabaho mo, talagang papasok ka. Hindi dahil sipag na sipag kang magtrabaho, kundi dahil Friday na at last day mo na sa Oplan Celia.
Kaso lang, bat ganun? Alas dos na ng hapon, wala pa rin siya. Nagdududa ka tuloy na baka umabsent nga rin siya dahil uso naman yung Friday sickness kahit sa ibang department no. Malungkot ka ng konti (konti lang naman). Kung ganon, bagsak ka sa project. Walang nangyari. Olats ka.
Tapos bigla siyang dumating! Accompanied siya ng long and buhaghag hair at eyewear. Mukha na naman siyang poodle. Konti na kasing maging afro yung buhok niya, pre (hindi pa pala afro yun).
Abot-tenga ang ngiti mo, pre. Kakahiya ka. So.. naisip mo, late lang pala siya. Eh ano naman ngayon, hindi mo pa rin alam kung ano topic ang maganda niyong pag-usapan. Humingi ka na ng tulong sa kasabwat mo. Kahit ano raw, basta wag playoffs. Tae.
Wala pang kalahating oras na nakaupo siya sa malapit sayo, inabutan ka na naman niya ng sokoleyt. Umaygaad, naisip mo kung tatanggapin mo ba o tatanggihan mo ulit. Okay na bridge ang sokoleyt kaso lang ayaw mong magmukhang PG (o patay-gutom).
Tae, naisip mo tigilan na ang pa-tweetums. Kaya tinanggap mo na ang sokoleyt (na binahagi mo sa mga kasama mo dahil hindi ka masyadong fan ng soko kung hindi ito dark soko).
Maya-maya, inalok ka naman niya ng another two packs of sokoleyt. Kunyari malakas ang volume ng earphones mo, hindi mo siya pinansin. Tinawag ka na niya sa pangalan mo. Nakupo, kilala ka na pala niya! Bigyan mo raw ang mga kasama mo, suhestyon niya. Parang ayaw mong kunin, dahil dyahe hindi kayo close. Pero kinuha mo na rin dahil tirador ng sokoleyt ang mga kasama mo sa trabaho sabay nagtenk yu ka. Pagkatapos nun, nawala na naman siya sa silya niya. Uuwi na raw sila dahil outage. Oww-key.. buti pa sila sabi mo (subrang TH na makagawa ng convo pero pinatay mo rin ng mga one-word statements mo). Uwi na pala sila. Olats ka, naisip mo. Di mo kasi nakuha ang number. Pero sabi ng kasabwat mo, keri na yun aanhin mo ba ang number niya eh di mo rin naman itetek yung tao dahil tamad kang magtek.
Bago siya umuwi, nahuli mo pang lumingon siya sayo. Nahuli mo siya kasi nakatingin ka rin sa kanya. Hehe..
Umuulan ng todo sa labas kaya napahinto ka sa ginagawa mo at nagnilay-nilay ng konti (konti lang kasi baka masita ka ng bos mo). All in all, bagsak ka sa deadline ng project pero mukang may consideration pa. Mukhang mai-extend ang submission. Abangan.
Ending Theme: I Caught Myself by Paramore
Posted Friday, May. 29, 2009
Halatang Obvious (Oplan Celia 2)
KELANGAN NINYO ng topic, naisip mo. Na sinabi mo rin sa kasabwat mo sa Oplan Celia. Sinabi mo sa kanya na kailangan mo ng topic para makausap mo siya. Hindi mo kasi mahihingi ang celia niya kung tahimik ka lang.
Hanggang sa nagsalita ka na nga. Nag-ekskyusmi ka pa para mag-butt in sa usapan ng may usapan. Tinanong mo kung ano na ang standings ng Lakers at Denver sa NBA Playoffs. Kitang-kita mo na keliit-liit ng mata ng tao eh nandidilat ito sa gulat. Pero hindi ka naman niya pinahiya, dahil sinagot ka naman niya ng matinong sagot. Tapos nun, nawala siya inuupuan niya. Naglakad siya ng naglakad. Kayo naman ng kasabwat mo eh tawa ng tawa sa Pandion. Sinisisi ka ng kasabwat mo kasi hindi na ito makatrabaho dahil conscious na ito na nakikinig ka pala sa usapan nila. Hahahaha.
Pero higit sa lahat, napakaolats ng pick-up line mo, pre. Andaming scandal, tungkol sa bakasyon, holiday, weather, etc. Tama bang NBA playoffs ang gawin nyong topic? Para kang hindi gerl.
Posted Thursday, May. 28, 2009
Oplan Celia
MINSAN, NAKAKASAMA lang ng timpla ng eksena yung pag-e-effort. Dapat wala ka na lang ginawa para hindi ka nag-expect ng outcome.
Friday na kasi bukas. Katapusan na ng mga kabaliwang project. Nasabi mo sa sarili mo na kapag wala pa ring mangyayari bukas, titigilan mo na ang oplan Celia. Ang oplan na ito ay isinagawa upang makuha mo ang number niya without the extra cheese. Ayaw mo rin kasi itong pagsimulan ng tsismis.
Nagsimula ang lahat sa simpleng reshuffling of crew. Na nasundan ng mga eavesdropping mo at niya sa kani-kanya ninyong convos. So far, two days ka na rin niyang inaalok ng chocolates. Tinanggihan mo ito lahat. In contrast ito sa pagiging tirador mo ng dark chocolate sa suking convenience store. Sakto pa na pagkatanggi mo, naglabas ka ng 'Lala' milk chocolate. Ang pipitsuging sokoleyt na pinaghalong cocoa at ginaok na nabibili sa halagang P4.75. Inisip siguro niyang cheap ka as a person. Yeah, so cheapangga. Pero alam mong kelangan ninyong may mapag-usapan. Tanga ka kasi. Kung hindi mo tinanggihan yung sokoleyt niya, malamang naka-level up na kayo from being plain acquaintance.
Hanggang sa nagsalita ka na nga.
Datapwat.
Subalit.
Magkagayunman.
Alalaumbaga'y...
# # #
WEH. Ano kayang naging problema ninyo??? Abangan...
Posted Thursday, May. 28, 2009
So Near Yet So Far
MAGKASABAY LANG tayo sa lunch nung isang linggo, tapos biglang absent ka kinabukasan. Tapos nung pumasok ka na, hindi mo na ako pinapansin. Hindi ka na rin nagtatanong kung ano ang gagawin mo sa buhay mo kasi bigla mo sigurong naisip na wait, may utak ka naman, sayang naman at hindi mo magamit kaya hindi ka na nagtatanong kung paano ang gagawin sa seasonal change at activation galing ng real-time prov. Hindi mo na ako hinihingan ng suhestyon kung anong dapat gawin sa mga accounts (kahit minsan naiinis na ako't iniisip kong nagpapa-cute ka lang ba o talaga lang hilo ka na sa analysis. Gusto na nga rin kitang tanungin minsan kung ano ba ang ginagawa mo sa DA). Wala na ring tanungan ng appropriate errors at codes. Hindi mo na rin ako ginagawang walking memorandum. Hindi mo na rin ako tinatanong kung gusto kong kumain. Kung sasabay akong umuwi. Nung pumasok ka, biglang hindi na ako nag-eexist sa portal. Hindi na ako nag-e-exist.
Nalungkot naman ako siyempre. Kasi nalipat na nga ako sa Spratly's, in the coming days magkakahiwalay na talaga tayo ng TQM. Hindi pa natin sulitin ang saya ng lunchbreak. Gusto mo pa talaga magkaroon ng ilangan portion. Sa lahat pa naman, yun ang ayoko. Yung selfish na kunyari hindi sila apektado ng krisis.
In a way, tama na rin yang mahiya ka sakin. Dahil napipilitan kang magresearch ng memorandum. Napipilitan kang magdesisyon sa errors. In a way, kailangan mo na ring masanay na huwag na ako ang tanungin. Tama lang na nadiskubre mo na, na masyado akong malayo sa aisle nyo para tanungin ng tamang disposition samantalang masasagot naman ito ng senior DA sa tabi mo, o maski ng sarili mo.
Pero nalungkot pa rin ako. Kasi sayang naman. Hindi mo ako pinayagang magkakilala tayo. Gusto mo ganyan lang. Para kang SM Baguio. Palagi kang nandiyan lang sa peripheral vision ko, pero pag nilalapitan ka ang laki pa ng distansiya para ma-reach ka. So near yet so far ka, pre. Sayang, ayaw mo pa-reach out eh, I like you pa naman. Aww.. :(
Posted Monday, May. 25, 2009
Kapag Napuno (Ong-Bak Final Round?)
[ako]: kaibigan mo si Ong-b diba?
[katsokaran]: bakit pre?
[ako]: pagsabihan mo yan. na tigilan ako sa pangti-trip niya
hindi ko gusto yung pakikialam niya sa buhay ng may buhay
at hindi siya makuha sa pakiusap
[katsokaran]: o..bakit?
[ako]: retard kasi siya
ginagawan niya kasi ako ng isyu with Polo
nakausap ko si Polo. wala raw siyang alam dun
[katsokaran]: anong isyu?
[ako]: basta
nilapitan ko na siya kanina. sabi ko tigilan na niya ako
nasusura na ako sa kauulit.
gusto pa niya mapahiya
[katsokaran]: ok...so medyo below the belt na yung mga biruan pala..
[ako]: basta, paki-emphasize na lang na wala siyang pakialam sa buhay ko.
hindi ko pinapakialaman yung pagiging retard niya. wag niya rin akong pakialaman dahil tahimik ang buhay ko.
may buhay ako outside apart from auditing
hindi lang niya alam yun dahil di ko na kailangang pangalandakan na kumpleto naman ang pagkatao ko.
# # #
Napuno na yata ang salop.
Posted Monday, May. 25, 2009
Water
Wait for me underneath the water
Wait for me I have to go now
Into the big city
She pulls me firmly towards her
Wait for me underneath the water
Wait for me here
You'll be fine underneath the water
I'll be back early next summer
We met again at the lake
After all these years,
You said "want a drink?"
I love you
And you know I will be back
Hold your breath
And nestle into the ice
Wait for me underneath the water
Wait for me and count to ten
You'll look up and I will be there
Wait for me
The lake was frozen,
You took me for a walk over the ice,
I cracked
The ice cracked
I fell into the lake
I watched you through the eyes
Love into you
Wait for me underneath the water
Wait for me and sing along
"She's coming, coming, coming"
Wait for me
I watched you through the ice
I expected you to crawl for help
I smiled, you just stood there
I tried to kiss you through the ice,
You just walked away
# # #
by The Sugarcubes. Para kay 'My Precioussss...'