wachap ketchup?

yup. the demoness is back

( S I Y E T E... Pitong taon na kaming nakasiksik dito. well, alam naman nating may mga taong subrang slow ng advancement sa teknolohiya at nagkakasya na sila sa first generation of web technology. Pero kung tingin nyo, wala kayong tiyaga sa non-wysiwyg interface, mas makakabuting mag-Livejournal o Wordpress na lang kayo. Sadyang mga h a r d c o r e lang kasi ang pwede dito. chos!)

explore.

latest entry
about me
archives
notes

shoutbox.

links.

schedule.

November:
1 - All Saint's
15 - Volleyball game vs. Violet
22 - Km Zero Project (finally?)
27-29 - Wind it up!
30 - Bonifacio day

15 Things in 2009.

1. Bungee jump
2. Eat 300 cups of yogurt
3. Buy new books (bought 5!) DONE
4. Wall climb DONE
5. Catch and count up to 1,000 falling stars
6. Watch the sunrise in Benguet DONE
7. Watch sunset without feeling lonely DONE
8. Climb Mt. Pulag
9. Hug at least one person a day
10. Make at least one person smile
11. Travel back alone to Sagada
12. Discover something new every month (not limited to places)
13. Write 15 poems this year DONE
14. Plant a tree DONE
15. Swim in open sea DONE

TY_notes.

DAHIL 7 years na kami dito, dapat lang na magpa s a l a m a t kami sa lahat ng mga nagpaiyak samin (isyu!) may buhay man o wala, mga nagpatulo ng laway namin katatawa, mga nakasama sa iba't ibang lakaran at nakilala kung saan-saan. Dahil kung walang leksyon, eksenang madadaot at angas, wala ring a i z k r i m (ok, bearhug na, bearhug). Sa mga napraning sa mga koda (tipong napaisip ng 'wait, ako yata yun tinitira dito ah'), salamat at di mo ako sinapak. Salamat sa lahat ng libro, mga tulang pinirata at kantang pinaskil dito, mga pelikulang mabagsik ang subtitle, sa kape, fried noodles at mga tsinelas.

Big tango to Kilcher the great for lending me this 'kyut' & nifty template. Tenchusowmacha ulit sa saving grace (naks)!

At... sa humigit-kumulang 4 katao (yup, we're growing.. 3 lang ito dati) kong reader: mahal ko kayong lahat. Grabe na, naiiyak pa yata ako o. Tagush Tugshink...



[prev] | [next]


Posted Sunday, Jun. 07, 2009


Lazycat


warmest hug for the Lazycat. her dad passed away just this morning. i got a messaged from her that she'll be coming home.

you were saying something?


Posted Saturday, Jun. 06, 2009


Point of Origin


MAY DOPPELGANGER si Origin from somewhere, sumabay samin sa pag-uwi. friend siya ng friend ko at nung nag-hi siya, nag-melt ako sa tuwa. Ganitong-ganito ako nung nagkita kami ni Origin nang biglaan, I couldn't even say hi. Sabi nga nung friend ko, sana gin-rab ko na yung opportunity para masaya, saka baka hindi na maulit yung chance na yun. True enough.

Alam na alam kong gustong makipagkuwentuhan ni Origin sakin noong nagkita kami pero hindi ako lumalapit sa kanya. Minsan kasi, pag masyadong totoo sayo eh hindi ka talaga makapagmosyon dahil nagpapatung-patong sa utak mo yung mga dapat mong gawin at mga posibleng eksena. Para kang tangang nire-rehearse mo sa utak yung pwede mong sabihin. Ayaw mo kasi pumalpak. In the end, nasayang ang oras eh ala ka namang nagawa.

SEMI-OFF TOPIC: May isang karakter sa libro na kahit alam kong fictional character lang siya eh gustung-gusto ko siya . Isang tao lang ang nakakapagpakalma sa kanya sa mga kaadikan niya at tantrums nung bata pa siya at yun din yung taong naging guro niya, kaibigan, kapamilya at sinta (Yihee!). Lagi silang pinaghihiwalay ng sirkumstansya dahil magkaiba sila ng estado sa lipunan pati na ng hierarchy sa edad. Pero yung karakter na gusto ko, eh sobrang sipag sa katutunton sa tao para hindi sila magkahiwalay. Kasi na-realize niyang yung tao na yun yung kulang sa kabuuan niya at ang origin ng lahat ng mga plano o saya ng buhay niya. Minsan sobrang mutual ng feelings nila, pareho nilang sinasagip ang bawat isa sa bangin kahit pareho naman silang nahulog. Kung hindi ka romanticist, hindi mo maa-appreciate yung kakornihang yun. (so sarili, ibig mong sabihin romantiko ka?)

Dahil slow ako, di ko agad na-realize na yun na nga si Origin. Lumipas kasi ang panahon, nakalimutan ko na ang existence niya at kung saan-saan na rin ako nakarating. Subconsciously pala, kahit napupuno tayo ng iba't ibang alalahanin at usaping pang-grown-ups, may panahon pa rin tayong hanapin yung mga 'origin' ng buhay natin sa iba't ibang paraan, medyum at persona. Natagalan din bago ko na-trace yung pinanggalingan ng resemblance ng mga taong nagiging paborito ko. Si Origin lang pala yun.

Actually, hanggang diyan na lang yan. Tinatamad nako, wala naman sense to.

you were saying something?


Posted Wednesday, Jun. 03, 2009


as usual, sumuway ka


haiz.. bakit?

there was a long pause before i confessed the truth to the attending physician. i couldnt explain why i am suffering from chestpains without feeling guilty. alam ko na kasing ibinawal sakin last year yung ibabawal sakin ngayon. coffee, spicy foods, maaasim na prutas, magpuyat at uminom ng alak. hehe.

sinunod ko naman yun eh. pero from time to time, hindi ko mahindian ang coffee at spicy noodles at magpuyat. yes, successful ako sa alak. witness ko ang Wednesday Club na hindi naman ako pinilit uminom ulit, yun nga lang tanong sila ng tanong kung straight-edge o born-again christian na ako. sus.

well, ngayon. mukang hindi ko keri umakyat pero pipilitin kong makabalik sa kalahati man lang ng dati kong kondisyong pangkalusugan para hindi ako maging parusa sa mga kasama ko. alang-ala sa kalikasan, hindi ko na muna papangarapin ang wasted na eksena sa summit. next year na lang. sa Pulag.

you were saying something?


Posted Tuesday, Jun. 02, 2009


Gimme That G V, Baby.


WISH ME luck. will have a medical check up tomorrow. because i need to decide this week whether i should start gathering my gadgets for a Freedom climb or abandon the comeback climb entirely. and the chestpains just wont leave me alone. i have doubts if i could hike for hours with 35-L weight on my shoulder. my condition is not as healthy as 5 years ago, when drinking coffee for me is a mortal sin.

im hoping for the most positive of all negative findings (because i KNOW i AM really not in good shape). help me invite the good vibes. :)

# # #

apparently, my horoscope states:

"in June, you may be facing some steep medical expenses. This complaint you are investigating probably will turn out to amount to nothing where your basic health is concerned. But in order to find out what's really going on, doctors have to order a multiplicity of tests. Debt is really not your style. So don't go there.

Sports and fresh air are on the docket for you in June. Take long walks in green spaces. Go hiking with someone whose company you love to share.

I suggest you begin now to look for new contacts in your career and start that hobby you have been wanting to take up for so long. An outlet for your talent is essential to your equilibrium."


wala lang, natawa lang ako sa coincidence. pero susko, horoscope anu ba yan, haka-haka lang yan. saka hobby? anung hobby ba ang gusto kong matuloy? wala ata akong maisip. merun lang akong project na taeng tae akong matuloy, yung maging fiddler ako eh hindi nga ako makabili ng violin. does anyone of you know how to select a violin for a 5' 1" tall, small-framed, short-armed lady? ano ba dapat ang size?

you were saying something?


Posted Monday, Jun. 01, 2009


H1N1 loco


NAPAPRANING AKO. Lahat ng tao sa paligid ko nag-uubuhan at may sipon. Me lagnat pa yung iba. Yaiks..

Baka ako na kasunod tapos nadali pa ako ng H1N1 noh? Okay... sori na sa lahat ng mga pinagkakautangan ko. thank you sa lahat ng well-wishers. at god bless you na lang dun sa mga walangya ng buhay ko. Amen!

you were saying something?

[prev] | [next]

Copyright 2008. Powered by diaryland

best viewed with Mozilla Firefox 3.0 or higher and Internet Explorer 6 or higher.