Posted Thursday, Jul. 09, 2009
Newton's Law
A BODY at rest will stay at rest. A body in motion will stay in motion. Thank God, for friction. At least, what has to stop, will rest. Whatever is stuck in the middle of nothingness will rollover and move ahead. ^_^
Posted Wednesday, Jul. 08, 2009
Capital 'S'
LINGID SA kaalaman ng marami, iginupo ako nitong nakaraang linggo ng pinagsamang pwersa ng allergy Rhinitis (iginupo is the term talaga) at susyal na susyal na trangkaso. Yun nga lang, late na ito ng kung ilang araw dahil bumuti na ako nung Biyernes.
The pain of living independently haunts me sa ganitong mga pagkakataon. Dito ko nararamdaman na waaaaah, importante pa ba ako sa mundo? Wala bang mag-aalok ng sopas? Pilitin nyo naman akong uminom ng gamot, hate na hate ko lasa ng cherry sa cough syrup, o, eto na o, lalaklakin ko na. Susmayosep, eww naman the lasa, gawd oh gawd oh gawd. Ayheytdiz part rayt hir.
Pinili ko na lang matawa. Dun ko rin na-realize na pang-sitcom talaga ako. Maski nagdedeliryo na ako, nakakaisip pa rin ako ng dayalog na pang-asar sa punchline. Wala akong choice kungdi i-survive ang sarili ko dahil wala namang papansin sakin kahit mag-inarte ako kunwari sa kuwarto at tumangging kumain. I even have to cook my own meal at piliting lunukin ang fudang kahit alam kong isusuka ko rin ito dahil sa tabang ng panlasa ko. *pinunasan ang gilid ng mata bago sinimulang mag-type ulit. Charoz.*
Anyway, basta kinakaya kong bumangon, bini-break ko ang sarili kong record sa Biotronic (ng fezbuk). Ginawa ko ring pasttime sa inip ng haws arrest ang tumawag ng tech support para magreklamo (at magtawag ng supervisor) dahil sira for the longest time ang bwakanabiatch kong modem. Kinam to the highest level you provider! Hindi ko na kayo mahal!
Heniweys, nung bumalik ako ng konti sa huwisyo, saka ko lang nakuhang magtext kay shopatid na casualty ako. As expected kay shopatembang na aning din minsan, "Hala, virus na yan."
Malamang, virus. Trangkaso nga eh.
"Umuwi ka dito."
"Ha?! Bat ako uuwi?"
"Wala kang kasama dyan."
"Ngek! Maysakit nga ako eh, tapos uuwi ako. Hehe."
"Di ka kasi nagba-vitamins."
"Allergy daw to sa halaman (sa tree-planting) e."
"Kaya nga, di ka kasi nagba-vitamins."
"May vitamins ba sa allergy? Bago yan ah."
Winner talaga sa mga hirit. Yung tipong kahit walang analogy eh nananalo sa argumento. Pero natats ako dun ha. May moment din naman talaga na winish ko na sana, andun ako sa kuwarto ni Lily Madrigal (aka. mader) at naaamoy ko ang powder-scented na unan at ang kumot kong cheesecloth na sintigas ng kartolina dahil sa almirol. Kaso sabi ko nga sa ka-text ko, wala na eh tapos na. Humusay na lagay ko, alangan namang bumalik pa ako sa kahapon.
Super-tenk yu (super tenkyu???) kay Wiseguy at back to my old self na ulit ako. Isang capital 'S' as in SALAMAT sa lahat ng nag-alala. Salamat sa doktor na nagbigay ng drug prescription. Salamat sa libro ni Arnold Arre. Salamat sa mixtape ni Bobet. Salamat sa mga agiw na pinagkaabalahan kong titigan para may gawin. Salamat sa goto ng Chow Chikopi. Salamat kay Lyka na walang ginawa kungdi tumahol ng pa-sweet na tahol. At pasensya na po sa lahat ng naabala ko, except dun sa net provider ko ha! Gawin nyo yung modem ko, noh hindi na kayo cute sa paningin ko.