wachap ketchup?

yup. the demoness is back

( S I Y E T E... Pitong taon na kaming nakasiksik dito. well, alam naman nating may mga taong subrang slow ng advancement sa teknolohiya at nagkakasya na sila sa first generation of web technology. Pero kung tingin nyo, wala kayong tiyaga sa non-wysiwyg interface, mas makakabuting mag-Livejournal o Wordpress na lang kayo. Sadyang mga h a r d c o r e lang kasi ang pwede dito. chos!)

explore.

latest entry
about me
archives
notes

shoutbox.

links.

schedule.

November:
1 - All Saint's
15 - Volleyball game vs. Violet
22 - Km Zero Project (finally?)
27-29 - Wind it up!
30 - Bonifacio day

15 Things to do in 2009.

1. Bungee jump
2. Eat 300 cups of yogurt
3. Buy new books (bought 5!) DONE
4. Wall climb DONE
5. Catch and count up to 1,000 falling stars
6. Watch the sunrise in Benguet DONE
7. Watch sunset without feeling lonely DONE
8. Climb Mt. Pulag
9. Hug at least one person a day
10. Make at least one person smile
11. Travel back alone to Sagada
12. Discover something new every month (not limited to places)
13. Write 15 poems this year DONE
14. Plant a tree DONE
15. Swim in open sea DONE

TY_notes.

DAHIL 7 years na kami dito, dapat lang na magpa s a l a m a t kami sa lahat ng mga nagpaiyak samin (isyu!) may buhay man o wala, mga nagpatulo ng laway namin katatawa, mga nakasama sa iba't ibang lakaran at nakilala kung saan-saan. Dahil kung walang leksyon, eksenang madadaot at angas, wala ring a i z k r i m (ok, bearhug na, bearhug). Sa mga napraning sa mga koda (tipong napaisip ng 'wait, ako yata yun tinitira dito ah'), salamat at di mo ako sinapak. Salamat sa lahat ng libro, mga tulang pinirata at kantang pinaskil dito, mga pelikulang mabagsik ang subtitle, sa kape, fried noodles at mga tsinelas.

Big tango to Kilcher the great for lending me this 'kyut' & nifty template. Tenchusowmacha ulit sa saving grace (naks)!

At... sa humigit-kumulang 4 katao (yup, we're growing.. 3 lang ito dati) kong reader: mahal ko kayong lahat. Grabe na, naiiyak pa yata ako o. Tagush Tugshink...



[prev] | [next]


Posted Friday, Aug. 14, 2009


Tomorrow Never Dies, You Know


HINDI SINASADYA na nagkakuwentuhan kayo ng mga plano sa buhay. Alam mo sa sarili mo na wala ka namang matinong plano sa ngayon. Napu-frustrate ka kasi madalas kaya sa ngayon, hindi mo na sigurado kung yung gusto mo dati eh gusto mo pa rin ngayon. Alam mong hindi naman kinakailangang i-time table ng bongga ang buhay ng tao. Kahit marami kang gusto merun talagang tiyak na pwedeng mangyari sayo pero hindi mo maiwasang malungkot ng bongga kapag nawawala ka sa hulog dahil sa sariling kapabayaan. Sa ngayon, parang cold cuts ang tingin mo sa hinaharap, frozen delights muna sa fridge (Yes, fridge nga, hindi ref).

Sabi niya, okay lang naman din na mamuhay siyang mag-isa basta masaya. Sa gana mo, parang hindi ka yata nakabalita na naging masaya ang mag-isa lang. May mga eksena nga siguro na ayuz lang yung magsolo pero hindi sa lahat ng oras. "Bakit mag-isa ka ba ngayon? Anong tawag mo sa'kin, flower vase," gusto mo sanang itanong pero baka sabihin niya namimilosopo ka na naman. Wala pa naman kayong konbersasyon na walang halong angas. Tinanong mo na lang siya kung malungkot siya ngayon. Sabi niya, hindi naman daw kasi kasama ka niya ngayon.

"Ngayon lang?"
"Bakit, hanggang kelan mo ba gusto? Forever? Hindi ako naniniwala dun eh."
"Hanggang bukas."

Tinawanan ka lang niya. Ha. Ha. Ha. Minsan talaga, may mga banat ka na mukang tae lang at makahirit lang. Totoo rin naman, mahirap mangako ng habambuhay. Sabi nga sa kanta, kahit sabihin mong mahal mo ang isang tao, hindi garantiya yun na nagiging imortal ka na at mabibigay mo ang lahat ng laya at saya, at hindi siya iiyak sa piling mo.

Kaya sinabi mo sa kanya, na kasama mo siya hanggang bukas. Kapag naging NGAYON na ang BUKAS, sasamahan mo pa rin siya sa susunod na bukas. Nakaisip ka rin ng background music: AKAP ng Imago para astig. (Hehe.. How corny pa rin, ba't ganun?)

"Wow! Ang galing! Akalain mo naisip mo yun, ang galing ha!"

Dinedma mo na lang siya. Humirit ka na lang sa utak mo ng: Yan ang manahin mong banat. Witty na sweet pa.

you were saying something?


Posted Saturday, Aug. 08, 2009


Teaser ng Kuwentong Pancit




GUSTO KO nang maniwala dun sa kakilala ko sa joke niyang cosmic daw akong tao. Pano naman nagkabanggaan na naman kami ni (bleep) sa outerspace at madalas pang sakto yung mga pagkakataon na hindi talaga maiwasang hindi magpalitan ng kuro-kuro sa mga bagay-bagay na pareho naming naisip at the same time.

Matapos ang pautot na kumustahan, tinanong niya kung kelan ulit ang susunod na roadtrip ko at kung kelan kaya kami magsasabay. Hehe lang ang sagot sa mga tanong na walang tandang pananong, in short, hindi talaga tanong kungdi statement lang para masabing nagkaugnayan kami sa salita, pero hindi sinsero.

Howel, kung ako naman ang tatanungin,l ang totoong tanong talaga dito ay: "Teka, gusto ba kitang makasabay AT ALL?"

Mental note: Ang inayawang fried noodles, wag nang ipilit. Marami pa diyang pwedeng alukin at gustong kumain.

you were saying something?


Posted Friday, Aug. 07, 2009


Bekesh Ay Yush Tu Hev Breyshes


ILANG MILYONG lightyears na sa phonetch ko ang kawirduhang convo namin ng ate ko pero hanggang ngayon eh nasa archive folder pa ito dahil plinano ko ring mai-document ito for some chorva reasons lang.

[ate]: Kilala mo ba yung Rhea, yung batang maputi nung araw na ang anklet eh matang kenkoy?

Si shopatidz, feeling niya yata eh porke may photographic memory ako eh matatandaan ko lahat ng tao. Nakalimutan yata niyang anti-social ako as a person.

[ako]: Hindi eh. Sino ba yan?

[ate]: Naku for sure, kita mo siya. Ang nanay nya eh one-liner kilay. Maputi sila. Nakasakay ko sa jeep at megakwento ng buhay niya pati pag-aaral nya sa UP. Kumukuha siya ng European languages kasi sa call center [daw] mas madali matanggap kapag multi-lingual. My gosh, gusto ko i-align pangarap niya.

[ako]: Ows? Ba't gusto niya sa call center? Para namang napaka-stable ng trabaho dito, eh ang bilis nga ng turn-over dito.

[ate]: Nag-abala pa mag-aral ng French. Peste siya, dami gusto mag-aral sa UP, di makapasok tapos siya eh call center agent puntirya.

aray ko ha! grabe ka naman, e di ikaw na manager.

[ako]: Grabe ka naman! Eh anong gusto mo, mag-nurse yung tao? Andami nang nurse sa Pilipinas, walang trabaho.

[ate]: Bwahahaha...! HRM o Tourism.

Talagang nag-abala kami para sa ibang tao eh noh. Kung tutuusin okay lang naman yun eh. Ang problema lang kasi sa mentalidad ng ibang tao sa call center, porke panay Inglesan ng Inglesan ang mga tao eh parang nagkakamal sila ng limpak-limpak na salapi. Hindi naman totoo yun sa lahat. May alam akong kumpanya sa Makati na hanggang ngayon eh dose mil pesos pa rin ang starting. Mataas pa sahod ng janitor namin sa upisina.

Meaning to say, hindi lahat ng nababalitaan ng tao totoo kaya wag masyadong magpapaniwala sa sabi-sabi. Kalokohan yung malaki kita namin tapos susyal kami. 3 years na ako sa contact center, pero ni minsan, hindi ko naramdamang nag-take off ako sa mas mataas na level ng social class. Pramish.

# # #

Naging asaran namin ni Kenneth dati ang tungkol sa coņotic lingo ng mga taga-call center. "Yun kasing isang dating taga-Ortigas ang nagpakalat ng 'sori nemen' dito. Malamang lang eh ganyan lahat ng tao dun."

Taga-Ortigas pa naman ako, kaya react ako to the highest level.

"Hoy hindi ah. Diyan sa Makati, ganyan na talaga kayong magsalita. Minamali nyo talaga ang Tagalog."

Pero aaminin ko, kahit naaasar ako sa grammar ng 'sorry naman', 'as in super dabes', 'shetness', 'byeness', 'pasensya naman', at 'promise naman'; dahil araw-araw kong kasama ang mga ganung klase ng tao eh pati ako eh nagkakaganun na rin sa SMS, chat at email. Shetness.

# # #

Kahapon lang ako pinansin ulit ng officemate kong coņotic after niyang ma-offend sa kataklesahan ko. Sa isang breather game sa meeting room, nagkaroon kami ng charades wherein ang ang tamang sagot ay gunting. Mabilis sumagot si boy ng, "shishorsh!" (read: scissors daw.)

Hindi ko naman shinadyang i-mimic sha. shamtayms keshe, wen yer shurawnded by their kind itch hard not to get inflwenshd by them. Saka ka dadalihan ng, "Hinde genito leng telege ekong megshelitah. Keshe I yush to have breyshes kashe eh."

Pwede ba, don't fuck with me, dude.

you were saying something?

[prev] | [next]

Copyright 2008. Powered by diaryland

best viewed with Mozilla Firefox 3.0 or higher and Internet Explorer 6 or higher.