Posted Friday, Aug. 21, 2009
The Big C
[friend]: Totoo bang kapag nilapitan ng dating may cancer ang isang taong may cancer, bumabalik ang kanser ng dating may cancer?
[ako]: Totoo bang kapag lumapit ang dating taga-mental sa isang saykotik, bumabalik ang pagkaabnu nung dating taga-mental?
[friend]: Sira ka talaga. Haha.
[ako]: Sori, parang ganyan kasi pagkakaintindi ko sa sinabi mo. Hahaha!
[friend]: Baka napapraning lang ako.
[ako]: Oo nga. hehehe...
# # #
ISANG LUMANG conversation namin ni friend ko na dating nagka-cancer. Isa siya sa pinakapaborito kong kausap ng maayos. Err... except maybe that one above.
Nung una ko siyang nakilala, guni-guning nagkatawang-tao ang tingin ko sa kanya. Maingay na, masyado pang maraming opinyon. Malayo pa lang, alam ko nang siya yung nag-iingay sa corridor ng AS building namin sa university. Alam kong paparating na siya kahit hindi ko tinitingnan. Hindi ko siya tropa nung freshmen pa kami dahil sa layo ng apelyido niya sa akin (saka suplada kasi ako, heheheh..). Ang Estevez kasi na katulad ko, laging nasa una kasama ng mga Castro, Domingo at Galvez. Samantalang ang mga katulad ni Allona Redentor, katropa yan ng mga Pascual, Sanchez at Ronquillo. Kinailangan pang magkaubos muna ang kaklase namin at maging irreg ng iba bago kami mag-small talk.
Galante siya sa kuwento kaya panalo siyang kasama sa maghapong naiinip na ako kaguguhit ng linya sa strad na parang walang katapusan. Lagi na lang kasi kaming may plate na pinapasa. Isa siya sa iilang taong napapagkuwento ako ng mahaba-haba kahit hindi ako nakainom (saka hindi ko pa alam ang konsepto ng alak at kape nun. MILO lang ang kilala ko nun). Pareho ko rin siya na naniniwala sa power of dreams, kaya hanggang ngayon, magte-text siya para lang ikuwento na nanaginip siya tungkol kunyari sa asong mukhang baboy o anupamang kawirduhan. Hindi na kami magkaklase noon, pero tumutulong pa rin ako sa mga projects niya. Minsan nire-request niya na ipag-leroy ko siya ng plates. Ayuz lang. Minsan, nagpiprisinta na talaga ako. Dala ko ang leroy ni ate, dinadayo ko ang overnight session nila para tulungan sila (tropa ko rin naman yung kagrupo niya sa thesis nila eh).
Tapus nun, naging tradisyon namin na dinadalaw ko siya kapag birthday KO. Bukod sa marami kasi silang pamahiin at tradisyon, ako na hindi masyadong masunurin sa mga tradisyong minana ng Pinoy sa mga Kastila ang nagkukusang puntahan siya tuwing birthday ko. Wala lang. Para maiba lang. Ngayon na nga lang ako pumalya dahil hapit na hapit ako sa oras sa pagbiyahe ng pabalik-balik sa probinsiya at Maynila.
Classic statements niya ang "Bruha ka talaga." or "Sira ka talaga". Dati, gusto kong ma-offend dahil super-hagedorn (read: haggard) ang pamantayan ko sa buhay. Pero ganun na talaga ako eh, hagedorn-look. So, dedma na lang. Kapag hindi niya ako sinabihan ng, 'bruha ka talaga' aba, something is wrong with me or missing.
Sa isang bagay lang naman siya laging naiiritang pagsabihan ako. Sa mga direksyon. Tingin ko, naikuwento ko na ito in the past pero uulitin ko na rin for the sake of kuwentong tito. May isang text message siya sa akin sa luma kong phonetch na hindi ko binubura kahit taon na ang binilang nito sa folder ko. Direksyon kasi ito ng bahay nila, na kahit magulo ang panuto eh itinabi ko na rin dahil baka sa kabila ng pagkainis ko, eh maalala ko yung tamang direksyon ng bahay nila. Kahit yata ilang ulit ko nang natanong kung saan ang bahay niya, eh hindi ko makabisa ang itsura ng kanto papunta sa kanila. Kasalanan din naman kasi niya. Maganda rin kasi siyang magbigay ng panuto:
"Ganito po ulit ang pagpunta samin. Pagbaba mo ng jeep. Lumakad-lakad ka lang hanggang sa makita mo ang terminal ng tricycle. Pag nakita mo na, sumakay ka at sabihin mong papunta ka samin at makakarating ka na."
Ngani-ngani ko nang ipukpok yung celia ketch sa katabi kong poste ng Meralco. Pero siyempre, hindi ko ginawa kasi sayang yung phonetch ketch noh, heheh.. Wala lang.
Nung sinabi niya two years ago na may kanser siya, eh naiyak ako talaga. Pero awa ng Diyos eh nalampasan naman niya ang hirap ng pagiging cancer patient. Yey! Ay teka... Paborito ko nga rin pala siyang ikuwento dahil bukod sa masustansya siyang kausap, hindi kasi niya binabasa ang blog ko kaya hindi masyadong nakakahiyang mag-esplika at walang sisigaw sa akin sa phone ng, "Hoy, bruha ka Aiz! Kung anu-ano pala pinaglalalagay mo sa blog mo tungkol saken! Ni hindi mo man lang binangon ang reputasyon ko ng konti. Humanda ka sakin pag nagkita tayo!" Sheesh... buti na lang talaga.
Posted Thursday, Aug. 20, 2009
Finally.. Found
When we met, my outstretched arms were still clinging to a vine at the side of the cliff, all tired, bloodied and numb. I couldn't figure whether we said hello, but I remember you asking for directions where I pointed 'that way' no, 'this way'. Then you asked what was I hanging on at the cliff for. I couldn't remember I said, scared of falling and breaking my bones I think. Why scared, you said. It's not safe, I replied. And you said, I'm gaga and you hurt my feelings when you laughed.
"C'mon, let go. I'll watch over your fall," you said while sneering a bit.
"Dang, I'm really about to fall if you don't stop pest--," said I, then without finishing my words, I lost my grip. And fell. For a moment, I imagined my Physics class and my newly-composed letter for an imaginary friend then:
Dear (Blank):
....I used to think I'm a debris floating in mid-air. But like what they say, a freely-falling body technically doesn't stay in mid-air for eternity. They fall at the rate of 9.8 m/secĒ.
And so I fell. But you had me safe from breaking to pieces. Thanks for catching my fall. :)
Posted Tuesday, Aug. 18, 2009
[Tula] Isang Sakay Mula Sa Kanto #2
Mahirap utusan ang dyslexic,
kaya bago mo pa man ako bilinang
sundan ka, nagbabala na agad ako sa'yong
Tanga akong bigyan ng direksyong
liliko sa unang kanan
unang kaliwa,
at isa pang kanan
makalampas ng huling pagkaliwa.
Nawawala ako sa gitna ng kanan at kaliwa,
nagpapaikot-ikot ako sa paligid ng mga harap
at mga likod.
Sa madaling sabi, hindi kita masusundan
sa simpleng salita lang.
Hindi ako makakasunod.
Iniuupo ko pa muna ito sa isang gilid,
inililinga sa mga tambay at
ipinagtatanong sa tanod.
Susundan ko ang hugis ng daan
ayon sa muwestra ng mga hintuturong
nagtuturo ng daan.
Kung iisipin mo nga ay
ganito rin ang damdamin, mahal ko.
Hindi ito nakukuha sa simpleng salitaan lang.
Iniuupo rin ito sa isang gilid,
itinitingala sa mga ulap
at itinatanong sa kosmos.
Kapag nagtugma ang hugis sa haraya
sa hugis ng damdamin,
susundan na ng mga paa ang puso
na magtuturo ng daan
papunta sa tunay na mahal.
At ito ang dahilan kumbakit
nandito ako ngayon sa harap mo.
# # #
BAWAL MAGING keso sa panahon ng krisis at El Nino at baka amagin ka. I'm not feeling well and I couldn't fall asleep. This piece came out after typing a response to Maningning Miclat's poem. Of course, compared to Miclat, my poem is plain rubbish. Nevertheless, I want to thank her for urging my muse to pay me a visit. :)