Posted Tuesday, Aug. 25, 2009
Extended [Ongbak the Final Round]
AKALA KO NOON tapos na sa amin ang lahat. Hindi pa pala. Minsan pala kahit tapos na ang eksenahan ninyo, hindi talaga natutuldukan ang episode. Minsan parang Maging Sino Ka Man soap ito, nagkakaroon ng Book 2.
[Ako]: sobrang bagal ng system!!! nakakabadtrip!!!
[Ongbak]: wala namang makaka-quota ngayon.
[Ako]: Owws??
[Ongbak]: papaputol ko ano ko pag may naka-quota ngayon.
[Ako]: pwes, ihanda mo nang sarili mo at kaputol-putol na yan. lampas na'ko sa quota.
[Ongbak]: ngak!
# # #
[Ongbak]: salamat sa ice cream. tiyak na puro mani ang shet ko neto.
[Ako]: pwede ka namang magpasalamat na lang. sana di ka kumain kung ayaw mo ng mani.
# # #
[Ongbak]: sira o na-corrupt ang pc ko dahil sa sandamakmak na virus. har har har... padala naman ng anti-virus update bukas.
[Ako]: anong anti-virus?
[Ongbak]: di mo alam anti-virus? diba nag-iinternet ka?
[Ako]: Alam ko kung ano anti-virus, ang sinasabi ko anong KLASENG anti-virus?
[Ongbak]: aww... {brand} pala sori. hehehe.
[Ako]: merun ako niyan, pero wala ako bukas. sa iba ka na, kung nagmamadali ka.
[Ongbak]: aww..
# # #
[Ongbak]: tiyak na maraming shark dun sa beach na yun.
[Ako]: napunta ka na ba dun?
[Ongbak]: di pa hehehe...
[Ako]: napunta nako at ako magsasabi sayong hindi ubra ang shark dun sa babaw ng tubig.
[Ongbak]: ambabaw naman pala, sa batya na lang ako magsuswimming, tipid pa. hehehe...
[Ako]: bakit, sinong maysabing kasama ka? inaya ka ba namin?
[Ongbak]: aww..
Posted Tuesday, Aug. 25, 2009
Kapag Sinabi Ko Sayo
‘Kabaka’
May ilang bukang liwayway
na kakulay ng taglagas
may ibang dapit hapong
liwanag na sumasabog
Kung minsan ang puting puwang
palawakin man ng iyak
ay nagiging isang pumpon
ng kandilang di maupos
Hanggang kaya mong gumising
at kaya kong managinip
kaya nating pag-isahin
ang darating at aalis
Habang may kapangyarihang
pangarapin at mangarap
walang laban ang kahapong matuldukan
Kung minsan ang puting puwang
palawakin man ng iyak
ay nagiging isang pumpon
ng kandilang di maupos
Bakit ba may inaasam
tayong ayaw maganap
pagkat ngayon ay mayroong
bukas natin ang handog
Hanggang kaya mong gumising
at kaya kong managinip
kaya nating pag-isahin
ang darating at aalis
# # #
Cynthia Alexander's second song to. The first one is a Maningning Miclat poem turned into a song, "Dumaan Ako" originally played by her brother Joey Ayala.
Gusto ko yung "Kabaka" especially the repeating part, "Hanggang kaya mong gumising/ at kaya kong managinip/ kaya nating pag-isahin/ ang darating at aalis." I could recognize these lines. Nabasa ko ito as forward from Kuya Topeng, ex-officio ng Pacesetter. Hindi ko alam na kanta ito. Buti na lang may mga streamings everywhere, wala man akong social life eh andami ko namang nasasagap na kemer online. hehe..
Haiz... nagtatae ang kalooban ko sa maraming alalahanin. Nek taym na natin pag-usapan. Late nako.
Posted Monday, Aug. 24, 2009
Keeping Things (In)Tact[less]
[Ygo]: ano ba sa tagalog ang Serviatek?
[ako]: what Serviatek? I don't know.
[Ygo]: di mo alam? dapat kasi tsinitsek mo sa dictionary.
[ako]: hay naku, walang Serviatek sa dictionary.
[Ygo]: ba't mo alam?
[ako]: kabisado ko ang BUONG dictionary. kaya alam kong walang Serviatek dun.
Isang nakakalokong convo with my 7-year old nephew.
Ang pamangkin kong si Ygo lately, eh nagiging pasttime ang magtanong ng Tagalog translation ng mga English words. sandamakmak na tanong ang tinanong niya sa bayaw ko, na ni isa eh walang nasagot. Na-frustrate na naman ata si Ygo.
[Ygo]: nag-aral ka ba?
(That's a 7-year old boy, asking a 25-year old.)
# # #
[Ygo]: ano, aalis na ba tayo.
[ako]: Ygo, kung ma-late tayo, hindi ka na makakanood ng sine, di na tayo papapasukin. Uuwi na lang tayo.
[Ygo]: hindi noh! magsha-shopping tayo.
[ako]: Heh! Shopping ka jan.
# # #
Ygo can sometimes be a lil neat freak kahit balahura din siya naturally as a kid.
[ako]: maligo ka na.
[Ygo]: may tao sa liguan eh.
[ako]: dun ka sa balon.
[Ygo]: san? dun sa nakakadiring liguan?
I literally rolled on the couch laughing.
# # #
I was teasing Ygo about a vid clip he took of himself, and I was getting hurt with Ygo's punches.
[ako]: bakit ka nananakit? pikon ka pala eh.
[Ygo]: HINDI AKO PIKON!!!! [PAK!]
[ako]: AWW... pikon ka, bayolente ka na eh.
[Ygo]: bayolente? ano yung bayolente?
[ako]: bayolente, nananakit. parang ikaw. bayolenteng pikon.HEHEHEHEHEHEH!
[Ygo]:HINDI AKO PIKON!!! [BOG!]
(Gumanti ako ng kurot.)
[Ygo]: bakit ka nananakit? pikon ka ba?
[ako]: Hindi ako pikon. [Kinurot sa pisngi ni Ygo]
[Ygo]: bayolente ka pala eh.
(I swear. Digital na ang karma ngayon.)
Let's all start the week with a happy mood! Happy Monday!!!