Posted Wednesday, Sept. 16, 2009
Mahirap ba?
Posted Saturday, Sept. 12, 2009
Sandali na lang...
ANO BA ang nagagawa in ten minutes? Maliban sa tumae, ano pa?
Posted Friday, Sept. 11, 2009
Ang Kuwento ng Palabigasan
MAY ISANG babaeng taga-Catbalogan ang lumuwas ng Maynila at namasukan bilang factory worker sa pagawaan ng sorbetes. Itago na lang natin siya sa pangalang Josie.
Nabuntis ng sekyu ng pabrika si Josie at nagsilang siya ng isang bouncing baby gerl. Ang panganganak ni Josie ay lingid sa kaalaman ng pamilya niya sa probinsya. Ngunit isang araw, tumawag ang mga magulang ni Josie at sinabing dadalawin siya nito. Magkahalong takot at taranta ang naramdaman ni Josie.
"Josie, andito na kami ng Mama mo," tawag ng ama ni Josie mula sa labas ng gate.
Sa takot ni Josie na baka mapatay siya ng ama sa galit, itinago niya ang sanggol sa rice dispenser bago pa nito papasukin sa kanyang tinitirhan sa Taguig.
"Nananaba ka yata, ha anak?" pansin ng ina ni Josie.
"Sa puyat lang po, Ma," sagot ni Josie.
Dumaan ang maghapon at magdamag sa Taguig, nalibang at nakalimot si Josie sa oras. Nanood ng TV, nakipagkumustahan, kumain at natulog. Kinabukasan, magsasaing sana ang ina niya sa umaga nang may marinig itong boses galing sa kusina. Gustong maihi sa takot at nerbyos ng matanda. Nang masiguro kung saan galing ang boses, napahiyaw ang ina ni Josie sa boses-batang nagmumula sa rice dispenser. Duon na napasugot ang ama ni Josie sa kusina para alamin ang nangyayari. Tulad ng ina, napatda din ang ama. Hindi lang sa boses kungdi sa kinakanta ng boses. Nang buksan ng ama ni Josie ang rice dispenser, may nakita itong baby na utal-utal na kumakanta ng... alam nyo kung ano ang kanta?
"KYOWA, KYOWA...
BASTA MAY KYOWA,
GINHAWA KA!"
# # #
Oo na. Malaki talaga problema ko dahil sira PC screen ko. Nyeta.
Posted Monday, Sept. 07, 2009
I Heart Nine Inch Nails
I was lucky to catch the last screening of "Dinig Sana Kita" last week. I got stuck with a Sugarfree song sampled by Niņa (one of the protagonists in the movie, yung rakstar) while she was in a Baguio school camp with deaf and mute for a retreat.
# # #
While sitting on a thinking chair (kunyari merung ganun talaga) and looking up on my reflection on a stainless flourescent panel, I contemplated on the song lyrics and how I became passionately in love with someone whom I got to know through email correspondence. Ni hindi kami naging good friends. Walang chance.
Para siyang flourescent light na tinitingnan ko ngayun-ngayon lang. Maingay ang personalidad. Dati, sinabi niyang hindi siya makapaniwalang makukulit din ang hirit ko dahil nungkang magsalita ako sa isang akyat namin. Kasi'y hindi ako flourescent light tulad niya. Plorera kasi ako. Kasi'y madaldal ang utak ko, pero hindi siya nakakarating ng dila ko. Ngayon, kapag kasama ko siya, mas gusto niyang ibulong ko na lang ang sinasabi ko, lalo na kung panlalait sa kanya para hindi masyadong masakit sa tenga. (hehe..) Parang basag na plorera kasi, masakit sa tenga na parang bad news.
Lasty... yung message ko sa kanya eh eto: Kumbaga sa tsinelas na hindi mahanap-hanap ang sukat oh well, eto na yun. Nahanap ko rin sa wakas. Alam kong alam na niya yung ibig sabihin nun. And this is even without saying the magic words here. Sabi nga niya, hindi naman siya slow gaya ng akala ko. HEHE..