Posted Wednesday, Oct. 07, 2009
Umagang Walang Kape #2
Kung malulusaw ka lang sa titig ko,
matagal ka na sigurong uminit at kumulo
habang minamasdan kitang nahihimbing
sa pinagdamutang espasyo
ng yapos ko.
Maingat na nilandas ng aking hintuturo
ang iyong labi,
ginagap ang iyong tainga
tapos noo'y dinampian ka
ng mahinhing simsim
habang matamang pinakikiramdaman
ang init ng malalim na hiningang
pumapaso at humihilam sa aking mga mata.
Doon ko ipapasyang ipikit ang mga mata
habang kasayaw ng paghinga
ang kapayapaang alay ng bukangliwayway
sa kalooban at haraya.
Ngayong umaga nga'y naisip kita,
habang hindi makuhang sumikat ng araw
dahil sa pagsusungit ng panahon.
Naiisip kita
habang nag-aagaw-malay
sa pagitan ng pagkamulat
at antok.
Iniisip kita at ang tamis mong dala
na nakakapagpangiti sa akin
sa gitna man ng makulimlim na sitwasyon,
kahalukipkip na rin ang kapaitang
hatid ng pagkawalay sa iyo
ng kung ilang taong nagdaan
kahit na ito'y kahapon lang.
Dito ako mapapabuntung-hininga
at magbabalik-malay sa kasalukuyan
habang inuusisa ang sarili
kung paano at kailan kaya kita
muling makakapiling.
Nakasandig ang ulo sa pader,
mabigat ang kalooban sa paghibik
na dadausdos ako pababa
habang magpupumilit lumuha
sa kanang mata at nagtatanong ng,
"Nasaan ka na ba, aking mahal?
Bakit wala ka sa tasa ko?"
# # #
07 October 2009, 430pm. Sinulat after dumating ng bosing at nagpipilit magising kahit walang tulong ng kape. Sensya na sa mga nagbabasa at nagsusulat ng tula. Wala lang akong magawa. Edit ko na lang pag may oras ako sa ibang araw. Yari na ko sa deadline ko ke bos.
PS. Para kay Sunshine in My Cup. (yee-hee!) pasensya na, puyat lang.
Posted Monday, Oct. 05, 2009
Ang Mata ng Bagyo
BAD HAIR week ako since last week. Ang bad hair day eh inabot na ng siyam-siyam kaya
bad hair week na. Tsk, tsk, tsk...
Inumpisahan kasi ito nung pangitain sa lakad namin nung isang linggo. Merun kasing isang
tropical depression na nagkatawang-lupa na nagmasungit sa buong duration ng lakad
namin. Halus ma-depress nga ako kaya lahat ng sulok ng entresuwelong malayo sa mata
ng "bagyo" eh sinusuutan ko wag lang akong mapag-initan ng hangin niya.
Mabuti na lang talaga, sobrang ganda ng lugar at prepared naman ako sa mga disaster.
Salamat na rin sa tulong ng mabubuti kong kasamahan na kabalikat ko sa mga tawanan.
Kahit papano, nakakalimutan kong na-stranded ako sa isang probinsya kasama ng isang
"kalamidad".
Pero last week pa kasi yun nangyari kaya hindi ko na masyadong madedetalye ang pangyayari. Humupa na ang daluyong sa anit ko. At napagdesisyunan kong matututo na lang ako sa leksyong itinuro ng nagdaang okasyon:
1. Wag maging FICKLE kung may lakad. DAPAT ang usapan ay usapan. Kung anong
napagdesisyunan ng nakakarami, yun ang susundin hanggang sa huli. Hindi ito
babaguhin hangga't hindi pumapayag ang majority.
"Kelangan 830pm andito na kayo."
"Bakit? Diba usapan, 9pm? Sinong me sabi?"
Wala. Gusto lang niya.
2. Wag kumasa kung puro yabang ka lang at hindi mo kayang tuparin ang nai-deal
mo.
May kinalaman ito sa taong kumasa na magdadala ng mga kinakailangang gadgets at kung anu-anong items under "ako na bahala diyan." portion. Totoo nga ang kasabihan: "Ikaw ang bahala, kami ang kawawa." dahil ni isa sa mga pangako ni kumag eh hindi niya nadala.
3. Gumamit ng PAKI o PLEASE kung makikisuyo sa kasamahan.
Laging tatandaan na ang mga tao sa paligid mo ay hindi mo alilang sinusuwelduhan mo ng per ora, na dapat manduhang magsilbi para sayo. Hindi mo rin pag-aari ang resort para utusan mo ang mga kasamang magpabukas ng generator, kumuha ng utensils, mag-request ng yelo lalo na kung hindi ka naman imbalido at wala ka namang ibang gagawin kungdi tumambay sa azotea ng cottage. Kasama mo sila, hindi alipin.
4. Wag ipagawa sa iba ang naka-assign sayo.
In continuation ito ng Moral Lesson no. 1. Kapag na-assign ka sa pagse-set up ng meals sa umaga, tumulong ka at wag magkulong sa kuwarto at maghintay hanggang sa makaluto na yung kagrupo mo. Kapal naman ng muka mo diba. May gana ka pang magtanong ng, "Kaya nyo na yan, diba?" Lul ka pala eh. Diba?
5. Wag maging assuming.
May kinalaman ito sa mga obligasyong dapat eh isinaulo mo bago ka bumiyahe. Dapat kung anong bitbit mo nung dumating, matutunang sinupin pag-alis. Wag nang hintaying sinupin ito ng ibang tao para sayo. LALONG wag magagalit kung hindi ito nakuhang sinupin ng ibang tao para sayo. Nakakahiya naman sayo.
6. Wag maging insensitive.
Di porke naasar ka dahil hindi according to plan ang change of mood ng weather eh super-piss off na ang moda mo at wala kang keber kahit na alas-kuwatro ng umaga eh sumisigaw ka ng, "Wag na nating uulitin to ha!"
Gusto kong personal na mag-react dito. Hello, katotoo. Nung plinano natin itong labas na ito, wala sa hinagap ko na magsusungit ang panahon. Kung tinamaan man tayo ng magaling pagdating natin sa venue, hindi ko kasalanan yun. Hindi ko gustong manira ng moda ng may moda dahil maski ako eh kating-kati akong mapahinga at magkabakasyon. Isa pa, nung nagtanungan sa pagpupulong, hindi ka pinilit sumama at napagdesisyunan ng lahat na itutuloy ang lakad kahit umulan pa BASTA wala pang SIGNAL NO. ng bagyo. Walang may gusto na pagdating natin sa venue eh signal no. 2 na dun, kaya pwede sana wag kang mag-inarte na parang naloko ka sa bingguhan at ikaw lang ang nadismaya sa panahon. OW-kei?!?
7. Wag mag-istorya
Especially sa aftermath ng event. Wag magkuwento ng mga istorya, lalo na kung hindi naman nangyari. Sarap mong sapakin pag ganun.
"Andiyan na sa ba yung isasama mo?"
"Oo, andyan na sila sa ibaba."
Pero wala talagang creature sa ibaba na naghihintay sa atin, dahil yung sinabi mong isasama mo eh half an hour late. Kitang-kita kong bumaba sila ng taksi sa parking lot, sa tapat ng inuupuan kong van.
8. At sa uulitin... Wag gawing Family Outing ang TEAM-BUILDING.
Self-explanatory na ito. Dapat talaga, sa susunod wag ka nang magsama ng jowa na magiging dahilan mo pa para sabihing hindi ka nag-enjoy sa labas. Eh kung di ka ba naman isa't kalahating tae, mahilig kang mag-expect ha.
9. Wag masyadong mag-amplify ng vocals
Lalo na kung katabi mo lang yung kausap mo. Hindi naman bingi yung mga tao. Buo pa ang mga eardrums ng mga yan kahit naka-earphones kunyari habang nagsisisigaw ka sa resort. Bat ka ba kasi sigaw ng sigaw, in the first place? Adik ka ba?
10. Lastly, Wag maging NEGA.
Malakas ang paniwala ko na, "Birds of the same feather f*ck together." Alam mo, sumama ako sa punyetang team-building na yan na 9 mos in the making para mare-bond tayo, hindi para ma-fuck up ng husto kaya pwede ba, kung magkakalat ka lang ng negativity, dun ka sa developing center. (and I bet hindi mo nagetch ang logic).