Posted Thursday, Oct. 29, 2009
[Tula] Mental Blocked
NAPADAAN AKO sa blog ni T O I nung isang araw at nakapagbasa-basa ng mga tula niya. Nakatuwaan kong sagutin ang isa niyang tula. At sa permiso ni Toio, heto yung tula niya at tula ko:
Puwede kang magsulat Ng kahit ano. Ng kahit anong nararamdaman O kahit anong iniisip mo. Ng anumang hinahanap-hanap O lahat ng pumupuno Ng iyong kalinangan, Ng iyong pagkatao. Nagsimula ako sa paghawak ng pluma panulat sana ng kahit ano mula sa naiisip binubulong, itinuturo at binubuo ng konsepto madaldal ang isip ko at puno ng pangyayaring hindi kayang ihulma sa ponema. Puwede kang magsulat Ng kahit ano. Ng anumang kathang-isip at hindi totoo. Ng anumang nilalaman ng imahinasyon mo Ng iyong haraya Ng iyong buong puso. Sinimulan kong gumuhit ng kahit ano sa pinilas na pahina ng notbuk, sa hinugot na tisyu, sa tabi ng post no bill sa trapal ng dyip, kahit saan abutan ng musang madalang pa sa patak ng ulan sa tag-araw kung dumalaw. Puwede kang magsulat Ng kahit ano. Huwag kang papipigil sa kapangyarihan ko. Akong binibigo ng mga salita't Naulila sa mundong Sa iyo na lang umiinog Sa iyo na lang nabubuo. Nagsulat ako ng --- wala…? Wala akong maisulat. Tumakas sa akin ang sukat at tugma sa iniimbentong saknong tangay ng musa na sumalin sa katauhan mo habang ako’y napatungangang puno ng isiping ikaw na hindi pa handang pakawalan.
# # #
Ang mga berso sa Regular font face ay gawa ni Toio na may pamagat na, "ang tula ng pag-ibig sa makata", ang mga berso sa italics ang sagot ko. Salamat, Toi ha. :)
Posted Tuesday, Oct. 27, 2009
[YOU]-niberso
# # #
Nakapag-post nako ng streaming MP3 of the same song before, nung bagong labas pa lang yung single sa mainstream. Gusto ko lang ire-post. Merun kasi akong kakilalang antukin na natutulog sa opis na hindi pwedeng uminom ng kape kahit patay na patay siyang makainom ng kofi. Sad... Naiintindihan ko siya. Deprivation ito. Hindi makatarungan. Mapaniil sa karapatang-pantao.
Heniweys, gusto ko rin naman talaga yung kanta. Although hindi ako masyadong maka-relate (utut!). Heniwey ulit, ang sarap lang isipin kung may ka-close ka na willing na samahan ka hanggang kinabukasan no matter what (yee-hee! Luha na kasunod neto for sure!) Tapos nun, kahit away kayo ng away nung ka-close mo, in the end, hindi mo matiis na makipag-peace. Kasi yung ka-close mo na yun eh hindi mo lang pala basta ka-close na. Siya na ang YOUniverse YEE-hee!! Segue kung segue.
Posted Monday, Oct. 26, 2009
Common Reaction
Posted Monday, Oct. 26, 2009
A Coffee Shop
# # #
thanks to Ariyati for introducing Landon Pigg to me last year. :)